Wednesday, August 11, 2010

mga ibat-ibang kwento

Full View
Edit Draft KWENTO
...
From:
arson balana
...
View Contact
To:
1.) ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.




2.) NAGING SULTAN SI PILANDOK

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang ultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.




3.) SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.




4.) ANG BATIK NG BUWAN

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!"

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.





5.) Ti Biag Ni Lam-Ang’ : Ang Buhay Ni Lam-Ang

SIYAM na buwan bago siya isinilang sa isang
maharlikang pamilya, namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang pangkat ng mga Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga Igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa sa mga masamang Igorot, gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa ilog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng isda sa ilog ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang.

Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay si Ines, isang babaeng taga-Kandon, isang munting nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang batong dambuhala (stone giant ) na sumisira sa palay at tabako sa mga bukid. Gamit ang kalasag na pilak na minana sa ama, nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan si Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay. Humanga nang matindi si Ines sa lakas at tibay ng loob ni Lam-Ang kaya pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.

Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama ng kanyang ina at ng mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot ng ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba pang mamahaling bagay. Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng kayamanang dala niya. Noong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-anak ng lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot si Lam-Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno, kailangan niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap. Ayon sa masamang panaginip, dapat siyang sumisid hanggang sa sahig ng dagat upang hanapin ang gintong kabibe. Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan ng pag-asa. Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susuungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang pagkamatay, pati na ang habilin ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.

Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog si Lam-Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang kalan, umuga ang hagdan, at nanginig ang kanilang anak na lalaki. Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-Ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas na lumabas at sundin ang mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla, tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na buhay na muli.

Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang panahon.





6.) Ang kuwento ni mabuti
ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay… Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya,"… ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo nsa bahaging to… Mabuti…Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu=bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito"…..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon na…iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y masabi ko sa iyo, ngunit…ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa…. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.n At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimtan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…" Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahatâ.





7.) PALIKERO AT MANGINGIBIG

Nakatapak na tayo sa bagong siglo. Harapin natin na ang kaakibat ng demokrasya, ay pagiging liberal. Halos mabaliw na nga ako sa pag-aanalisa at pag-iisip para lang matukoy ang isang palikero at mangingibig. Malay mo, makatulong ang paksang ito sa paparating na araw ng mga puso. Himayin natin.

Isang halimbawa nalang ay ang tao na dalawa ang kasintahan. Syempre sa tingin ng de kahon ang mentalidad, palikero ang hatol. Pero ito ay isang aral para hanapin ang kahulugan ng pag-ibig. Isang maling sitwasyon para maitama ang nararamdaman. Kumbaga, paano mo mahihiligan ang kulay puti kung walang ibang kulay na pagpipilian? Pagpumasok ka naman sa isang relasyon ay hindi nangangahulugan na ganap ka ng mangingibig. Akala mo lang yun, dahil nadadala kayo ng isang matamis na simula. Nagkasundo pagdating sa interes. Ang bawat relasyon ay ensayo lang para sa haharapin pang relasyon. Ang pag-ibig ay nagiging pag-ibig lang, pagsubok na. Bagkos, tumatawid ka sa pagiging palikero kung alam mo na kung sino ang mas matimbang ngunit hindi ka pa pumipili. Aakalain mong makasarili ang taong nagbubukas ng puso sa mga kumakatok kahit may kabiyak na, pero ito ay isang pagkakataon para mahanap ang dapat na kaparehas at laya naman sayo para mahanap ang nararapat. Magiging makasarili lang siya kung pinairal niya ay libog at alindog. Ang mangingibig ay nasasaktan at nakakasakit, para lalong mapalawak ang kaalaman at matanggap ang pagkabigo. Sa kabilang dako, ang palikero naman ay nakakasakit lang, para mapunan ang sariling interes at makaiwas sa pagkabigo. Madalas ay naisusugal ang moralidad para maintindihan mo lang ang salitang pag-ibig. ‘Wag mangamba, dahil bumabalik ang dangal kapag umiibig na ng tuluyan.

Maituturing na palikero ang taong nagpaparamdam pero walang balak makipagrelasyon at mas malala ay kung kang-kang lang ang habol. Nakakagulintang na katotohanan di ba? Ang mangingibig ay sinasantabi ang takot para magmahal. Hindi ko sinasabing suungin mo lahat ng relasyon, kundi ay hanapin mo ang ibig sabihin ng pag-ibig sa taong makapagbibigay ng kahulugan nito sa’yo.

Ang pag-ibig daw ay dumarating. Tae! Paano ka mananalo kung hindi ka man lang tumataya. Dumarating ang pag-ibig sa taong naghahanap. Natutuldukan lang ito kapag nagkasundo na kayo sa iisang kahulugan, hindi lang pag-iisang dibdib sa altar o sa papeles. Pagnaintindihan niyo na ang pag-ibig ay isang responsibilad. Syempre ang mga dalaga at binata ay aalma dahil masyado pa raw silang bata para sa usaping ganito, kaya tuloy lang ang laro. Lingid sa kaalaman nila, mangingibig lang ang nakakalayo at ang palikero’y naliligaw.




8.) BAWAL SA LAMAY
Kumakailan lang ay pumanaw ang aking lola. Kaya ang ilang araw kong pananahimik ay ilang linggo ng pagdadalamhati. Nagdidiwang ang mga tao sa paligid sa pagsalubong ng bagong taon habang kami naman ay nagluluksa. Napatakbo ako sa probinsya ng wala sa oras. Isang pagkakataon narin para magbakasyon at nakakapagod palang manirahan sa syudad. Hanap ko na ang tanawin sa bukid at simoy ng dagat. Hindi ko alam kong bakit maraming nahuhumaling sa kinang ng Maynila. Ang lahat naman ng naninirahan dito ay katulad ng “Munting Gamo-gamo”.

Isang baryo nalang at probinsya na namin. Sumaglit muna ako sa palengke para bumili ng bulaklak. Mas matagal pa ata ang pag-aayos ng bulaklak kumpera sa byahe. Kaya nagliwaliw muna ako sa palengke at nakailang balik narin sa palikuran. Unting lambing lang sa tindera at nakatawad pa ako. Dito sa atin, isang katutak pang diskusyon para lang makamura.

Habang papalapit sa bahay ng tita ko ay ramdam ko na ang bigat sa paligid. Ang bumungad sa akin ay mga matatandang nag-iiyakan na kasamahan pala ng lola ko sa simbahan. Aakalain mo ngang may pasyon dahil sabay sabay silang kumakanta na parang kulto. Sinilip ko muna ang kabaong sabay bulong ni nanay na “Maging repinado ang kilos mo, dahil maraming kasabihan sa probinsya pagmay namatayan.”

Lumabas muna ako sa bakuran at nanlaki ang mata sa hele-helerang lamesa ng nagsusugal. Kakaupo ko palang ay napagsabihan na ako kaagad. Bawal daw magsugal ang kaanak ng namatay at mamalasin sa pagpipinta ng braha. Sinuway ko parin pero nagkatotoo ang lintek. Buti nalang at hindi pa pumatak ng libo ang tinalo ko. Tumayo muna ako at nagpagpag.

Lumabas ang kapatid ko na may halong inis dahil napagsabihan din siya. Pinunasan niya kasi ang kabaong dahil nanlilimahid na sa patak ng luha ang salamin. Hindi mo pa ba pupunasan kung panay uhog na at halos hindi mo na makita ang binurol?

Ang dami palang pamahiin, naghalo na kasi ang kultura ng mga ninuno at ang impluwensya ng mapanakop na kastila. Kaya yun labo-labo na, pwede ka na ngang gumawa ng libro sa dami ng kasabihan. Tinapik naman ang pinsan ko dahil nakatulog sa pagbabantay. Panay bawal! Bawal! Bawal!

Pero pag-inabutan mo ng pagkain at panggasta…pwede! Imbis na mataimtim kang nakikiramay ay abala ka pa sa pag-iisip kung may nasasagasaan ka bang paniniwala.

Pagsapit ng gabi ay naglabasan na ang mga kaldero’t kawali. Nagsibak ng kahoy sa likod bahay panggatong. Nakuha naman natin sa mga Tsino ang pagluluto ng iba’t ibang putahe gamit ang iisang klase ng hayop. Syempre ano pa ba ang handa? Kundi baboy, kambing, manok at isda, iba-iba lang ang luto. Ang kinasarap naman ay sariwa lahat, kaya lasang-lasa mo hanggang sa huling kagat.

Magdamag ang kwentuhan, pagluluksa at sugal. Naghalo narin ang kape at alak. May kantahan din, pero dapat kantang pampatay ang aawitin. May punto rin sila, kaysa naman masaya at may bagsak ng yugyog ang kanta mo.

Kinaumagahan ay naggagayak na ang lahat para sa libing. Kakamulat palang ng mata ko ay may “Bawal” ng sumalubong. Bawal daw maligo sa bahay kung saan ginanap ang burol. Naghanap pa tuloy ako ng ibang bahay na pwedeng pagliguan, kung hindi ay sa poso ang bagsak ko o sa dagat. Buti nalang at nakahanap. Lumilipad pa nga ang kaluluha ko habang naliligo. Sa wakas ay nagising rin ang diwa sa lamig ng tubig.

Ang buong pamilya ay nakasuot ng puting damit, isang simbolo ng maluwag na pagpaparaya. Napagalitan na naman ako dahil ang suot kong puti ay may halong de kolor, at pula pa. Nagtitinginan tuloy sila sa simbahan na parang ako ang suwail na apo. Kulang na lang ay ngaratan ko ang mga mapanghusga.

Natapos na ang misa at nilakad na namin si Lola sa kanyang huling hantungan. Pagdating sa kampo santo ay nakaantabay ang lahat para sa huling pamamaalam. Sinunog narin ang mga mamahaling braha na ginamit sa sugal. Nang binuksan ang kabaong ay kinuha ng insan ko ang nakasilid na pera sa loob. Swerte raw yun sa negosyo. Aba! May swerte rin akong narinig.

Pinasok na ang labi sa nitso. Paalis na nga lang ng sementeryo ay may “Bawal” pa. Bawal ang lumingon sa pinaglibingan. Dapat ay tuloy-tuloy ka lang sa paglalakad. Pero napagtanto ko, mukhang may dahilan rin. Siguro, para mabawasan ang bigat sa dibdib. Katulad din ng paghatid mo ng mahal sa buhay sa paliparan. Huwag ka ng lumingon pagnahatid mo na sa pinto dahil aagos ang luha at walang katapusang yakapan na naman yan.

Pagbalik sa bahay ay binanlawan pa kami ng mainit na tubig na may halong suka, kahit nangangasim na kami sa pawis. Kulang na nga lang ay isahog kami sa kinilaw. Nananghalian lang ako at sumibat na. Balik reyalidad na may baong mga “Bawal.”





9.) SUGAL, SUGALAN, SUGALERO
Sa labas ng bahay ay umaakap na ang simoy ng pasko. Ramdam ang lamig sa kasukasuan at panay ang utot dahil sa kabag. Pinatawag ko ang lahat ng kaibigan para mag-ayang magsugal. Aba at parang peste namang nagsisulputan sa palayan. Hayok na hayok puminta ng braha at ang mga daliri ay mas makati pa sa kagat ng lamok sa estero.

Pinagtulungan naming ilabas ang lamesa at kanya kanya ng hugot ng bangko. Ang mga bagay na tulad ng sugal ay hindi pwedeng haluan ng alak, dahil mahirap maglaro ng lasing. Doble bayad kung mapupusoy ka. Dapat matalinaw. Mapagkakamalan mo ngang may lamay sa labas dahil sa dami ng nakadungaw tapos sinabayan pa ng kape’t sigarilyo, kulang na nga lang ay biskwit at korona na bulaklak .

Bakit pusoy? Halo kasi yun ng lohika, basahan ng ugali at kalkulasyon. Hindi tulad ng ibang laro sa braha, swertehan ang panalo parang bingo. Gusto kasi naming pinapaikot ang kapalaran sa aming mga palad. Dahil ang salitang swerte ay tsamba. Kaya tignan mo, lalong humahaba ang pila sa mga palaro sa telebisyon. Wala ng ibang inasahan kundi ang salitang “swerte”. Yan tuloy, lagi silang suki ng malas.

Nahiligan namin magsugal dahil oras na para laruin ang pera. Pera lang ba ang may karapatang paglaruan ang tao? Gantihan lang kumbaga. Ang maganda sa laro, kung matalo ka man. Alam mong pumapaikot lang sa sirkulo niyo ang pera. Kung hindi man masarap ang ulam mo ngayon, alam mong masarap ang ulam niya mamaya…at dahil magkaibigan kayo, ibabahagi niya sayo kung anong meron siya, pereho na kayong masarap ang kinakain.

Madalas nga kaming husgahan ng mga kapit bahay pagnapapadaan sila. Dahil masama ang tingin nila sa sugalero. Nagmamalinis pa, kung tumaya naman sa lotto ay halos maubos na ang sweldo. Tapos mas madalas pang mag-abot ng taya sa jueteng kaysa sa pulubi.

Marami rin mapupulot na aral sa larong pusoy. Hindi lahat ng malakas na braha ay maganda at kahit saksakan naman ng pangit ay nananalo parin. Bakit? Dahil depende yan sa ayos. Ika nga namin, makikita sa laro ng pusoy kung paano mo patakbuhin ang buhay mo.






10.) PUSONG BINIYAK NG KABIYAK NG PUSO KO
Isang umagang kapiling ko na naman ang kape’t sigarilyo at nagbabagang balita sa telebisyon. Gustohin ko mang tanghaliin na ng gising pero dumudungaw sa bintana ang tirik na araw dahil wala akong kortina kaya kailangan kong bumangon bago pa ako manlagkit sa pawis.

Biglang nagpadala ng mensahe ang isang kaibigan kong manunulat ng komedya at may ilalapit daw siyang problema sakin. Sasabihin nalang niya pagpunta sa bahay. Napaisip tuloy ako ngunit naaamoy kong sa kabila ng galing niyang magsulat ng katatawanan ay isang kahindik-hindik na balita ang hatid niya.

Nagulat nalang ako ng may sumilip sa pinto, mabilis palang kumilos ang mga taong may problema dahil wala na silang oras maligo, mag-ayos at ganang kumain kaya paspasan ang lahat. Nag-usap kami ng masinsinan, para tuloy akong pari sa kumpisalan.

Inilahad niya sakin kung paano siya naiputan sa ulo. Nangyari daw yun ng isang gabi ng makipagtalik ang kasintahan niya sa ibang lalake na hindi lubos na kakilala. Isa na ata yun sa pinakamasaklap na kaganapan sa buhay ng isang lalake. Ang dati niyang masayahin na mukha, ngayon ay mukasim na’t naghahalong iyak at tawa. Halos tumawid na sa kabaliwan. Masyado rin maaga para haluan ng alak ang kwentuhan namin kaya sinabayan nalang niya ako sa paninigarilyo at paghigop ng mainit na kape.

Halatang nagpipigil siya ng luha, dahil bawat bukang bunga-nga ay para siyang hinihika kaya pinayuhan ko nalang na “tang-ina kung talagang masakit, eh di umaray ka pare.” Ramdam ko ang bigat na dala niya dahil unang una, ginalang niya’t sineryoso ang babae pero saglit lang ninakaw ang delikadesa ng kanyang kasintahan sa ilalim ng impluwensya ng alak at pangalawa ay natapakan ang kanyang pagkalalake.

Pag ang lalake umiyak, ibig sabihin saksakan na ng sakit ang dinadamdam. Parang asong hindi makakahol. Pinayuhan ko nalang na huwag tumulad sa iba, kung napindeho ay gumagawa ng dahilan na kunwari ay hindi nila mahal yun babae at gamitan lang ang kanilang relasyon. Kadalasa’y nagiging malala pa ang epekto nito, lalo mo lang pinapamukha sa tao na talunan ka. Minsan ay nababahiran ang pagkatao mo’t nahihigitan mo pa ang kasamaang ginawa sayo. Dapat mo bang ikahiya na kahit naloko ka ay naging mabuti ka naman? Hindi na ata uso ang maging matino ngayon, kailangan mapusok ka para may dating.

Ang sabi ko nga ay sa likod ng problema, may regalong nag-aabang. Biniro ko nalang siya na isang magandang bagay ang lokohin ka dahil napatunayan mo sa tao hindi lang sa sarili mo na matino kang ka-relasyon, ayaw mo nun? Baka pag-agawan ka ng mga dalagita kung malalaman nilang matino kang kasintahan. Kumbaga sa damit, panlabas ka. Siya ay pambahay, pangharabas lang.

Kung sumagi man sa isip mo na gumanti ay ‘wag mo ng tangkain pa. Bakit? Isipin mo nalang na umuusad ang buhay niya pero ikaw ay nakapako parin para lang makabawi. Sino ngayon ang ubos oras? Katahimikan ang pinakamainam na ganti kung sakaling gustohin mo mang matapatan ang ginawa niya. Mas masakit at mas malalim ang sugat. Dalawa kasi ang anggulo ng pag-ibig, ang masarap na parte kung saan ka kinikilig sa tamis at ang isa ay ang masaklap na bahagi kung saan ay puro alat, asim at pait. Kumbaga para siyang pakete, kung natikman mo yun isa, dapat malunok mo lahat. Kung iduduwal mo lang ay wag mo ng isubo punyeta.

Nabanggit pa niya sakin na tumawag ang babae’t humahagulgol ng iyak habang humihingi ng tawad at nakikipagbalikan. Sa insedenteng ganito ay mas madali pang magpatawad ng kaaway kaysa sa minahal mong nanakit sayo. Masyado pang maaga para masugatan ulit, baka magkaketong na ang puso mo. Lahat naman ng tao may karapatang umibig pero bilang lang ang handa ng magmahal. Para kasing politika yan, pang seryosong bagay. Kung maglalaro ka lang, isa ka sa mga trapo.

Sa wakas ay binaon niya ang payo ko at siya ay nalinawan. Kaya pinutol na niya kahit kaisa-isang hibla ng kanilang ugnayan…ay hindi pala. Mas matimbang parin ang pagmamahal. Sa taong umiibig, ang salitang pagpapatawad ay umuubra.





11.) Buod: ng Florante at Laura
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persyano. Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano. Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persyano – ang katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.





12.) Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong

“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing

“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong

“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni Matsing

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong

“hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit ni Matsing

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi ni Pagong

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing

Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong matsing

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi ni Matsing

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong

Nag-isip ng malalin si Matsing

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni Pagong

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong

Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Sabi nga:

Tuso man ang matsing, naiisahan din





13.) Ang Alamat ng Rambutan
ni: Rejimer Nube

Sa isang malayong pook sa Pilipinas nakatira ang mag-asawang sina Mang Kandoy at Aling Pising.Malapit ang pook na ito sa bundok ng Rabba. Araw- araw nangangahoy si Mang Kandoy sa kagubatan para gawing uling. Si Aling Pising naman ay nagpupunta sa bayan upang ipagbili ang mga nagawang uling. Walang anak sina Mang Kandoy kaya’t ganoon na lamang ang dasal nila sa Panginoon upang mabigyan sila ng anak.

Isang araw, habang nangangahoy si Mang Kandoy, nakakita ito ng isang kweba sa gitna ng kagubatan.

“Tila ngayon ko lang napansin ang kwebang ito” wika niya sa kanyang sarili

Kahit may konting takot sa kanyang kalooban ay minabuti niyang tignan kung ano ang nasa loob ng kweba. Nagulat siya ng makita niya ang isang usa na malapit ng kainin ng isang tigre. Naramdam ng pagkaawa si Mang Kandoy kaya’t agad niyang binato ng isang piraso ng matigas na kahoy ang tigre upang malihis ang atensyon nito sa usa. Nagalit ang tigre at dali-dali nitong sinunggaban si Mang Kandoy. Kaagad namang nakuha ng mangangahoy ang kanyang palakol kaya’t nasugatan nito ang tigre sa leeg nito. Walang humpay ang pagdudugo ng sugat ng tigre kaya agad agad itong kumaripas ng takbo palayo sa kweba.

Nagulat si Mang Kandoy sapagkat ang kulay ng dugo ng tigre ay abo.

“Ngayon lamang ako nakakita ng dugo na kulay abo” wika nito sa sarili.

Agad na natuyo ang dugo hanggang sa naging abo ito at humalo sa lupa.

Napansin niya ang takot na takot na usa kaya’t nagpasya ito na puntahan ito. Nagitla siya nang bago pa makalapit ay nagpalit anyo ito. Ang dating kawawang usa a naging isang napakagandang diwata subalit hindi na rin natago ang mga sugat nito. Napansin ni Mang Kandoy na ang dugo ng diwata ay puti.

Dahil sa pagkabigla at pagkatakot, nagpasya ang matanda na tumakbo na lamang pauwi pero pinigilan siya ng diwata.

“Salamat sa iyo kaibigan, nailigtas mo ako sa kamay ng itim na salamangkera. Ako si Rodona ang diwata ng budok na ito. Matagal na kitang nakikitang namumulot ng mga kahoy sa gubat na ito. Alam ko ang kabutihan ng iyong kalooban” sabi ng diwata

Hindi pa rin makapagsalita si Mang Kandoy.

“Ang tigre na iyong nakita ay si Matesa, nais niyang makuha ang bundok na ito upang dito gawin ang kaniyang salamangka. Gusto niya akong patayin at kunin ang aking puso para magkaroon ng kapangyarihan sa mga puno at hayop na naninirahan sa aking lupain.” ani Rodona

“Kung siya ay salamangkero, bakit hindi niya ginamit ang kapangyahiran niya sa akin?” tanong ni Mang Kandoy

“Walang kapangyahihan si Matesa laban sa mga nilalang sa bundok na ito, maging sa hayop, halaman, o kahit sa mga tao. Kapag nakuha na niya ang aking puso saka lamang siya magkakaroon ng kapangyarihan sa mga nilalang dito.”paliwanag ng diwata

“Labis kang nasugatan, mabuti pa siguro ay sumama ka sa akin upang magamot ng aking asawa ang iyong mga sugat.” nag-aalalang sambit ng matanda.

“Ang buhay ko ay hindi na magtatagal, habang ako ay may kapangyarihan pa, binibiyayaan ko kayo ng iyong asawa ng isang anak. Hinihiling ko lang sana na sa aking pagpanaw ay kunin mo ang aking puso, sunugin mo, at ilagay sa banga ang abo nito. Itago mo ito sa iyong bahay upang maging proteksyon ninyo at ng lupain na ito laban kay Matesa.”naghihingalong bilin ni Rodona

Pagkatapos nito, agad na binawian ng buhay ang diwata.

Sinunod ni Mang Kandoy ang bilin ni Rodona. Ikinuwento niya ang nangyari kay Aling Pising. Makalipas ang siyam na buwan, isinilang ang isang napakalusog na batang babae. Labis na ikinatuwa ng mag-asawa ang biyayang ito,pangalanan nila ang bata na Rabona, pinaghalo ang pangalan ni Rodona at ang bundok ng Rabba.

Lumaking masayahin si Rabona. Halos nakalimutan na ng mag-asawa ang nangyari sa diwata. Minabuti nilang ilihim nila ito sa kanilang anak. Nang maglalabing anim na taon na si Rabona ay may nakita siyang isang pusa sa kagubatab. Medyo kakaiba ang pusang ito sapagkat makapal ang kulay dalandan na balahibo. Iniuwi ni Rabona ang pusang iyon.

Nang sumapit ang ika-12 ng hating gabi. Nagpalit ng anyo ang kakaibang pusa. Siya pala si Matesa. Nagsagawa ng ritwal si Matesa upang sumpain ang anak ng mag-asawa. Habang nag-oorasyon nagising si Mang Kandoy dahil sa mga bulong ng salamangkera.

“Layuan mo ang aking anak!”sigaw ni Mang Kandoy

“Hahaha! Wala ka ng magagawa Kandoy! Tignan mo ang ginawa mo sa akin. Maraming salamangka ang aking pinag-aralan para lamang maghilom ang halos napugutan kong ulo nang dahil sa pagtatanggol mo kay Rodona laban sa akin!” sagot ni Matesa

Naalala ni Mang Kandoy ang abo ng puso ni Rodona na kanyang itinago. Agad niya itong kinuha at isinaboy sa paligid ng salamangkera. Hindi nakagalaw si Matesa. Nabalot siya ng kapangyarihan ng abo ni Rodona. Agad na kinuha ni Mang Kandoy ang kanyang itak at tinaga ang mangkukulam. Nagliwanag ang buong paligid at naging abo ang katawan ni Matesa. Nagising si Rabona at takot na takot na niyakap ang kaniyang mga magulang.

Napansin ni Rabona na kumakapal ang buhok nito sa katawan. Humahaba rin ang kaniyang buhok.

“Dala ito marahil ng sumpa sa iyo ni Matesa.”sabi ng kaniyang ama

Agad silang nagpunta kay Tandang Isko, ang arbularyo sa katabing bayan.

“Mabuti na lamang at hindi natuloy ang sumpa. Maagapan natin ang walang humpay na paghaba ng kaniyang buhok, subalit hindi na natin maibabalik ang normal na kapal nito” wika ng arbularyo

Naging mas makapal nga ang buhok ni Rabona. Laging sinusuklalyan ng kaniyang ina na si Aling Pising ang kaniyang buhok. Bilin ni Aling Pising na lagi niyang aayusin ang kaniyang buhok upang hindi maging sagabal sa kaniyang mga gawain at pag-aaral.

Dala marahil ng konting pagbabago sa kanyang buhok, unti-unting nagbago ang pag-uugali ni Rabona. Naging tamad ito sa pag-aaral at sa mga gawaing bahay. Ayaw na rin niyang ayusin ang kaniyang sarili. Natuto siyang lumaban sa kaniyang mga magulang.

“Nay, ikaw na lang magsaing. Ayoko magtrabaho sa bahay sapagkat naiinis ako sa buhok na ito. Dapat niyo akong pagsilbihan dahil dito” sambit ni Rabona

“Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa, dapat kang magpatuloy sa buhay mo at gumawa ng paraan upang malampasan ang mga pagsubok” pagsusumamo ng kaniyang ina.

”Ah basta, ayoko na! Umalis ka na sa harapan ko at ipaghanda mo ako ng pagkain. Kayo ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang buhok ko!”hinanakit ng suwail na anak

“Pasensya ka na anak, ang lahat ng ginagawa namin ng iyong ama ay para sa iyo. Sige maghahanda na ako ng pagkain.”malungkot na tugon ni Aling Pising

Isang gabi, naisipan ni Rabona na sunugin ang bahay nila habang natutulog ang mga magulang niya.

Maingat niyang sinalansan ang mga tuyong kahoy sa ilalim ng kanilang bahay upang huwag magising ang kaniyang mga magulang. Nang akmang sisindihan na niya ang mga tuyong kahoy para magliyab, nagliwanag ang kaniyang paligid, lumipad ang bawat butil ng lupa at umikot sa kanya at nabalutan ng lupa ang kaniyang katawan. Nakita niya ang isang magandang babae sa kaniyang harapan.

“Ako si Rodona” ang wika ng babae

“Hindi nga ba’t ikaw ay patay na?” nagulat na tanong ni Rabona

“Oo, namatay na ako subalit nananatili ako sa puso ng iyong mga magulang. Ako ay may kaugnayan sa iyo sapagkat ako ang nagbiyaya sa iyong mga magulang upang ikaw ay isilang dahil sa kanilang busilak na kalooban. Ako ay nanatili sa iyong pagkatao subalit nagpadala ka mga pagsubok. Ang tunggalian namin ni Matesa ay hindi nagtapos ng ako ay mamatay sa kweba sa bundokng Rabba. Nagpatuloy iyon sa iyong puso. Nang dahil sa mga mumunting pagsubok, ikaw ay nagbago. Naisipan mo pang gawan ng masama ang iyong mga magulang” Dapat sana’y ikaw ay magsisilbing regalo sa kanila, subalit pinagtangkaan mo pa ang kanilang buhay!” galit na sabi ni Rodona

Nakonsiyensya ang dalaga sa sinabi ng diwata.

“Patawarin niyo po ako, nagpadala ako sa mga pagsubok. Hindi na po mauulit. Tatanggapin ko po ang anumang kaparusahan. Ayoko na pong maging pabigat sa kanila. Sana po ay maibalik ko pa ang panahon upang mabigyan sila ng kasiyahan.” pagsusumamo ni Rabona

“Huli na ang lahat. Mula sa gabing ito ay lalamunin ka na ng lupa. Ngunit nang dahil sa iyong pagsisisi ay hindi ka pa tuluyang mawawala sa kanila. Patunayan mo na hindi ka magiging perwisyo sa kanila” sabi ng diwata

At tuluyang nagliwanag ang buong paligid at nawala ang dalawa.

Kinaumagahan ay wala na sa bahay nina Mang Kandoy si Rabona. Napaiyak si Aling Pising ng makita ang mga tuyong kahoy at posporo sa ilalim ng kanilang bahay. Naisip nilang tinangka ng kanilang anak na sunugin ang kanilang bahay. Sa tapat ng posporo ay may nakita silang halaman na may kakaibang dahon.

“Ngayon ko pa lamang nakita ang halaman na ganito” sabi ni Mang Kandoy

Inalagaan ng mag-asawa ang halaman at nang lumaki ay nagkabunga. Napaluha si Aling Pising nang makita niya ang bunga nito. Makapal ang tila buhok sa balat nito. Tinikman nila ang hinog na bunga at natuwa sa tamis at sarap nito.

“Ito marahil si Rabona” wika ni Mang Kandoy

“Kahit paano’y may alaala pa rin siya sa atin. Salamat at hindi siya nawala”

Tinawag na Rabona ang bunga ng puno, hanggang maging rabonan nang malaunan tinawag na rambutan. Ngayon ang rambutan ay isa sa masasarap na prutas na makikita natin sa ating bansa.

Lagi nating isipin na ang mga pagsubok sa buhay ay hindi dapat maging hadlang upang maipagpatuloy ang ating buhay. Lagi tayong gumawa ng mabuti sa ating kapwa lalo na sa ating mga magulang.

- WAKAS -





14.) Ang Alamat ng Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ang mga ulap ay nasa ibabaw pa ng lupa. Ang mga unang tao noon na sina Malakas at si Maganda ay labis na nagsisikap sa pagtatrabaho upang mabuhay. Sa umaga sila ay nasa bukid upang magsaka. Si Maganda ang naghahanda ng pagkain at si Malakas naman ang nagtatanim. Tuwing sisikat ang araw, ang mga ulap ay kusang tumataas upang mamasyal sa ibat-ibang panig ng mundo. Ang araw ang nagbibigay buhay sa kanila. Kaya nga sa tuwing sasapit ang gabi, nawawalan ng buhay ang mga ulap at bumababa sa lupa hanggang sumikat ulit ang araw. Ganito ang buhay ng mga ulap.

Isang araw, habang nasa gubat si Malakas upang mangahoy, nakita niya ang isang makislap na bagay. Tila parang ginto ang bagay na kumikinang pero higit itong matingkad at makiwanag. Naisipan niyang gumawa ng isang sorpresa para kay Maganda at gawin itong isang magandang regalo. Dumaan ang ilang araw at nakagawa si Malakas ng isang magandang palamuti sa buhok, kwintas, pulseras at mga singsing para sa kanyang asawa. Labis na natuwa si Maganda sa natanggap niya galing sa kanyang asawa. Lagi niya itong isinusuot araw man o gabi.

Makalipas ang ilang linggo, ipinahatid ng isang lawin na mayroong bagyong paparating sa dakong kanilang tinitirahan.

“Ang bagyo ay nagdulot ng isang buwan na pag-ulan sa ibang dako na sinalanta nito” sabi ng Lawin na hapong hapo sapagkat siya ay tinangay ng malakas na bagyo habang naghahanap ng pagkain kaya kailangan niyang lumipad ng mabilis upang maiwasan ito.

Labis na nataranta sina Malakas at Maganda sa nabalitaan. “Ilang araw pa ba bago dumating ang bagyo sa bayang ito?” tanong ni Maganda. “Sa loob ng tatlong araw, papatak ang napakalakas na ulan na dulot ng malakas na bagyo” sagot ng Lawin.

Dali-daling sinabihan ni Malakas si Maganda na maghanda para mag-ani ng kanilang mga pananim. Makalipas ang isang araw, naani na lahat ang mga tanim na palay. Ang mga ulap sa iba’t ibang dako ay naipon sa bayan ng mag-asawa.

“Mabuti na lang at nakapag-ani na tayo, kundi at mahihirapan tayong itaboy ang makakapal na ulap sa ating lupain” wika ni Maganda.

Pagkaraan ng dalawang araw, naani na lahat nina Malakas at Maganda ang kanilang pananim na bungangkahoy sa kagubatan. Nakapag ipon na rin sila ng malinis na tubig sa batis na kanilang maiinom habang sinasalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Naayos na rin ni Malakas ang kanilang bahay upang maging matibay laban sa mapaminsalang hangin.

“Kailangan nating bayuhin ang mga naaning palay mahal ko upang makain natin” wika ni ni Malakas. Mayroon na lamang silang isang araw upang magbayo ng naaning palay para maging bigas. Inabot na sila ng dapit hapon at hindi pa sila natatapos.

Bumaba na ang mga ulap sa lupa dahil wala na ang sikat ng araw na bumubuhay sa mga ito. Napapagod na rin si Maganda sapagkat ang mga kwintas, palamuti sa buhok at mga singsing ay mabibigat at nakakaabala sa kaniyang paggalaw. Kaya naisipan niya itong isabit sa mga ulap. Nakaramdam ng ginhawa si Maganda at nakapagtrabaho ito ng mabuti. Bago sumikat ang araw, natapos ng mag-asawa ang kanilang gawain, hanggang sa pumatak na ang tubig ulan na hudyat ng pagsisimula ng matinding bagyo.

Agad na pumasok sa kanilang bahay sina Malakas at Maganda. Pagkasara ng pinto, umihip ang malakas na hangin at noo’y naalala ni Maganda ang kaniyang mga alahas. Labis siyang nalungkot sa nangyari. Nilipad ng delubyo ang mga ulap sa lupa at tinangay sa kaitaasan ng daigdig. Lumipas ang isang buwan, at natapos ang malakas na bagyo. Ang buong daigdig ay natakpan ng makapal na ulap. Puno ng paghihinagpis ang mag-asawa dahil sa nakitang pinsalang tinamo ng kanilang lugar. Wala silang magawa kundi pagmasdan ang iniwang bakas ng kalamidad.

Hanggang nang sumapit ang gabi, habang si Maganda ay nasa bakuran ng bahay ay may nakita itong kumikislap sa kalangitan. Dali-dali nitong tinawag si Malakas at itinuro ang nga nakikitang kunikinang sa kadiliman ng kalangitan. “Tignan mo mahal ko ang mga kumikislap sa kaitasan ng langit, di nga ba iyon ang mga iniregalo mo sa akin?” sambit ni Maganda. “Oo nga aking mahal, natutuwa ako at hindi pala nawala ang mga iyon, bagkus ang mga iyon ay makikita natin bilang simbolo ng ating pag-ibig at pag-asa kahit anong kalamidad pa ang dumating sa ating buhay.

Mula noon, ang mga bituin at buwan y lagi ng makikita sa itaas ng kalangitan. Ang mga ito ay nag bibigay pag-asa sa mga tao na sa gitna ng kadilliman ng buhay, ay may pag-asang kumikislap at nagpapatibay ng ating kalooban laban sa anumang pagsubok sa ating buhay.





15.) Ang Alamat ng Bundok Arayat

Nabasa ko ang kwentong ito sa isang librong Kapampangan sa silid-aklatan ng Pampanga Agricultural College. Nais ko itong ibahagi sa mga estudyanteng naghahanap ng mga alamat tungkol sa Sinukuan.

Sabi sa libro, noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng Mt. Arayat ay wala sa bayan ng Arayat kundi nasa bayan ng Candaba. Itinayo ni Sinukuan, ang hari ng Arayat and bundok para sa mga mamamayan ng Pampanga lalo na para sa mga taga Candaba. Subalit dahil hindi naging maganda ang pag-uugali ng mga tao noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok sa bayan ng Arayat kung saan narooon ito ngayon. Ang dating kinalalagyan ng bundok sa bayan ng Candaba ay naging isang malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba Swamp.

Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang magpakitang gilas sa kanyang iniirog na si Maria Makiling. Iniibig din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang manliligaw na si Pinatubo ay galit na galit sa kanila.

Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni Pinatibo ang matayog na bundok ng Arayat (kung kaya’t ang hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang tuktok nito). Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang dumating si Sinukuan sa kaniyang bayan ay nagalit siya sa kaniyang nakita, kung kaya’t dali-dali siyang sumugod kay Pinatubo at ginulo ang at sinira niya ang napakataas na bundok nito.

Kaya ngayon kung inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay isang napakahabang hilera ng mga bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag iisa lang.




16.) ANG KWENTO NI ALIGUYON
Buod:
Si Aliguyun, isang mandirigmang Ifugao na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Amtalan na isa ring mandirigma. Maagang natuto si Aliguyun sa pakikipaglaban sapagkat nais ng kanyang ama ng maipaghigante sya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang handa na si Aliguyun, nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Amtalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan nila kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyun. Inihanda rin s'ya ng kanyang ama sa pakikipaglaban sa pareho ring layunin, paghihiganti.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyun ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis na ipupukol upang tumama sa dibdib ni Dinoyagan. Subalit lalong mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Inabangan ng matipong kanang kamay ang sibat at walang anumang aabutin ito.

Gumanti naman si Dinoyagan. Mabilis ding ipupukol ang sibat kay Aliguyun subalit tulad niya, napipigilan ng kalaban ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib. Nanonood ang mga dalagang taganayon at sinundan ng mga mata ang humahanging na sibat.

Araw-araw na nagpatuloy ang labanan hanggang sa inabot ng linggo,ng buwan. Kung saan-saan na sila nakarating. Naglipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.
Namumunga na mga palay na nagsimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang labanan. Inabot na ng taon hanggang sa sila'y lubusang huminto sa pukulan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila, walang natalo.

Naglapit ang dalawang mandirigma, nagyakap at nagkamayan tanda ng pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyun, dakila rin si Dinoyagan. Ipinangako nila sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitin nasimulan ng kanilang mga ama.

Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahanng pinanood ng mga taganayon ang dalawa lalo na kung sila'y sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma,lalo na sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumapailanlang na parang maririkit na agila.





17.) “Mga Bathalang Putik” sa paghubog ni Liwayway A. Arceo
Ipinaskil noong Oktubre 1, 2008 ni Roberto Añonuevo
Iba ang kuwento ng pag-ibig sa kuwento ng romansa. Ito ang paniwala ni Liwayway A. Arceo nang sulatin niya ang nobelang Mga Bathalang Putik (1970) na isinerye sa Liwayway mulang 26 Oktubre 1970 at nagwakas noong 7 Hunyo 1971, bago isinaaklat ng New Day Publishers noong 1998. Sa nasabing nobela, ipinamalas ni Arceo ang iba’t ibang uri ng pag-ibig, na ang pinakarurok ay relasyon ng mag-asawa at ang pagpapasiya hinggil sa kanilang kinabukasan.
Umiwas maglunoy sa romantikong relasyon ang Mga Bathalang Putik, at pigil na pigil kahit ang rendisyon sa erotikong tagpo. Pagtatagpuin ng tadhana sina Esmeralda at Senen sa kung saang kalye, magkakakilala, mahuhulog ang loob sa isa’t isa. Ngunit may balakid. Kapuwa sila may asawa, at may anak si Esmeralda samantalang walang anak si Senen. Titindi ang gusot dahil nagmumula sa mga maykayang pamilya ang dalawa, at tanyag na doktor si Senen. Asawa ni Senen si Macaria, na premyadong asintada sa pagbaril; at embahador naman si Nestor, ang kabiyak ni Esmeralda. Sasapit sa sukdulan ang salaysay nang maaksidente si Nestor matapos itong magpakalasing dahil sa pagkakatuklas sa namumuong relasyon nina Esmeralda at Senen. Muntik nang mapatay ni Macaria si Senen sa labis na panibugho, at nabaliw. At kailangang gampanan ni Senen ang tungkulin bilang doktor at isalba si Nestor, kahit ibig na ni Senen na mamatay ang pasyente upang makapiling niya sa wakas si Esmeralda.
Si Senen ay napilitang magpakasal sa dominanteng si Macaria, dahil pinaaral siya nito hanggang makatapos sa pagkaespesyalistang siruhano ng utak. Si Esmeralda naman ay napilitang magpakasal kay Nestor dahil sa udyok ng sariling ama. Kung mapagparaya si Senen, kabaligtaran naman ang asal ni Nestor at ng ama ni Esmeralda na pawang ibig kontrolin ang lahat ng gawain at pagpapasiya ng nasabing babae. Hindi malalayo rito ang asal ni Macaria, na bagaman liberal ang pananaw ay nagkukubli naman ng matinding pagkubkob sa katauhan ni Senen at halos pakilusin ito na parang laruan.
Sa madali’t salita’y kapuwa ibig kumawala nina Senen at Esmeralda sa kani-kaniyang kabiyak. Ipamamalas ni Arceo ang husay niya sa paghubog ng mga tauhan, mga tauhang bagaman may kani-kaniyang lakas ay nagtataglay din ng karupukan gaya ng karaniwang tao. Hindi makakamit ni Esmeralda ang sariling ambisyong maging guro sa mga batang atrasado ang pag-iisip, bagaman nasa kaniya ang layaw at rangyang dulot ng kabiyak. Mahusay na embahador si Nestor ngunit hindi niya mapaamo ang mailap na asawa. Batikang siruhano si Senen subalit hindi niya matistis ang pananamlay ng loob niya at ang paninibugho ni Macaria. At maykaya, bukod sa magaling mamaril si Macaria, datapwat takot siyang mapalayo sa buhay ni Senen.
Bagaman may batayan ang paninibugho nina Macaria at Nestor, walang magaganap na makalupang pagtatalik sa panig nina Senen at Esmeralda. Wala, at ito ay may kaugnayan sa moralidad na paniniwala ni Esmeralda na mahihinuhang kumakatawan sa “dangal” ng babae. Sapat na ang hawak ng kamay, palitan ng sulyap, at kislot ng katawan upang ipahiwatig ang nadarama ng dalawang tao na sinisikil ang pagmamahal. Gayunman, pambihira ang pagbibitin ng mga kapana-panabik na pangyayari, lalo sa yugtong lihim na nagtatagpo sina Senen at Esmeralda at nakadarama ng kung anong pagnanasa sa isa’t isa ang naturang mga tauhan. Ang tradisyonal na pananaw hinggil sa pagsasama ng mag-asawa, alinsunod sa paniniwala ng Kristiyanismo, ang mahihinuhang sinisikap isabuhay nina Esmeralda at Nestor, o kaya’y nina Senen at Macaria.
Magiging palaisipan ang wakas ng nobela dahil gumamit ng pahiwatig at ligoy si Arceo sa usapan nina Esmeralda at Senen hinggil sa kung ano ang marapat gawin matapos ang matagumpay na operasyon sa utak ni Nestor at nang mabaliw si Macaria. Pumayag si Nestor sa diborsiyo, at ang hinihintay na lamang ay ang pasiya ni Esmeralda. Umaasa naman si Senen na maaayos din ang buhay ni Macaria, kapag ito ay dinala sa Estados Unidos. Samantalang may pagbabantulot sa panig ni Esmeralda kung hihiwalayan nga si Nestor, at tutugon si Senen sa pamamagitan ng pagtango (na ang ibig sabihin ay “Oo.”) Naiiba ang pagwawakas dahil gumamit si Arceo ng “niya” at “kaniya” na pawang nakapahilis at mahihinuhang tumutukoy kina Nestor at Macaria. Ang pagluha ni Esmeralda at ang panlalabo ng paningin ni Senen sa wakas ng nobela ay maaaring sipatin sa dalawang panig. Una, ang paghihiwalay nina Esmeralda at Senen ay maaaring magpahiwatig ng paglagot sa dating relasyon ng mag-asawa, at pagsisimula ng bagong relasyon. Ikalawa, puwede ring ipahiwatig ng tagpo ng paghihiwalay ang ganap na pagputol sa namumuong pag-iibigan nina Esmeralda at Senen upang harapin ang tadhana nila sa kani-kaniyang asawa, gaano man kalabo ang hinaharap.
Magaan at masinop ang wika ni Arceo na bumabagay sa kaniyang pinapaksa, at waring umaayon sa disenyo ng Liwayway. Maiikli ang mga talata, at mabibilis ang pukol ng mga salitaan. Tantiyado kahit ang pagpuputol-putol ng mga tagpo, at pagsasalansan nito sa mga kabanata. Ang bawat dulo ng kabanata ay iniuugnay sa umpisa ng susunod ng kabanata, at nagsisilbing tanikala para sa transisyon ng mga pangyayari. Mabisa rin ang paglalarawan ng awtor lalo kung babae ang tinutukoy, halimbawa na ang landi ni Macaria habang naninigarilyo at kausap ang esposo; o kaya’y ang pagkabalisa ni Esmeralda na ibig ilihim kay Nestor ang namumuong pagmamahalan nila ni Senen. Makatotohanan din ang pananaghili ni Nestor sa kabiyak na ibig makasiping sa gabi, o kaya’y ang pagkabalisa ni Senen na tila binatang naniningalang-pugad. Gagamitin ni Arceo ang mga panuhay na tauhan, gaya ni Garnet (na anak nina Esmeralda at Nestor) at ng ama ni Macaria, upang itampok ang katangian ng apat na pangunahing tauhan. Ibig sabihin, walang inaksayang salita si Arceo sa kaniyang akda, maging iyon ay sa paglalarawan ng resort, restoran, tahanan, o ospital.
Matalinghaga ang pamagat ni Arceo sa paggamit ng “bathalang putik.” Maaaring ipahiwatig nito na bagaman mortal ang apat na pangunahing tauhan, may mga katangian din silang lumalampas sa pagiging mortal at umaabot sa pagiging inmortal. Maaari din namang palsipikadong diyos lamang sila, at bagaman may kakayahang makapagpasiya ay nagbabantulot na isakatuparan iyon at ilalaan sa tadhana ang lahat. Ang problema’y sa kombinasyon ng “bathala” at “putik.” Kung ang “bathala” ay hinggil sa inmortalidad, na marahil ay may kaugnayan sa konsepto ng “pag-ibig,” “dibino,” at “pagpapasiya,” ang “putik” ay tumutukoy sa mortalidad, at may kaugnayan sa pinagmulan ng tao o pagkatao. Ngunit hindi kayang likhain ng bathala ang kaniyang sarili, gaya ng “putik” na isang likha. Ang “bathala” ay lumalampas sa kaniyang “laláng” dahil siya ang ultimong ugat ng lahat ng bagay. Kung papaloob ang “bathala” sa kaniyang likha, maglalaho ang pagiging inmortal niya kaya marapat lamang siyang husgahan bilang tao at hindi bilang diyos, at alinsunod sa midyum na kaniyang kinasangkapan.
Ganito kalikot mag-isip si Liwayway A. Arceo bilang nobelista at kuwentista, at siyang magtatakda ng mataas na pamantayan ng pagsulat, sa lárang ng tinaguriang “panitikang popular.”





18.) ANG KWENTO NI LAM ANG

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida. Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya.





19.) Ang Iliad (fall of Troy) at Odyssey ay sinulat ni Homer. kekwnto ko sau yung iliad:

mag-asawa sina peleus at thetis, nagkaanak sila si achilles. nilubog ni thetis yung anak niya sa river styx (yun yung river na color black, pag nadikit ka dun magiging invulnerable ka or parang may shield ka) patiwarik nya nilubog yung bata kaya hindi nabasa yung sa may paa. kea naririnig nyo yung 'achilles heel' dba?
tapos nun nagpa-party sila sa mt.olympus. LAHAT ng gods/goddesses invited except lang kay ERIS kasi dyosa ng kaguluhan yun eh. alam nila pag dumating si ERIS gugulo yung party. nagalit si ERIS.
dahil sa galit, naghanda siya ng apple. nilagyan nya ng sign yung apple: TO THE FAIREST, tapos pinuslit nya yun sa party. sinama niya sa mga food dun. pinag-agawan yun nila HERA, APHRODITE at ATHENA.
dahil di sila makapag-decide kung kanino dapat mapunta yung apple, lumapit sila kay PARIS (lalaki to ha, mortal sya) at binigay nya yung apple kay APHRODITE (dyosa ng kagandahan, venus). natuwa si APHRODITE kaya binigay nya si HELEN kay PARIS.
kaso, nung time na yun, may asawa na si HELEN. asawa na niya si MENELEUS (king of sparta). nagalit syempre si MENELEUS. ginawa nya nagtawag siya ng mga kaibigan, ilan sa mga dumating (yung iba hari rin, may sandamakmak din na soldiers) ay sina achilles, ajax, agamemnon, odysseus tapos naki-join din si ATHENA. bitter sya kasi di nya nakuha yung apple eh. wala naman magawa si ZEUS, neutral lang sya.
ayun na nga, sumugod silang lahat sa Troy (dun kasi nakatira si PARIS) kea bumagsak yung Troy.




20.) Impeng Negro ni Rogelio Sikat

“Sa matinding sikat ng araw, tila siya mandirigmang sugatan,
ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.”

Mga Tauhan:

Impen- 16 taong gulang, maitim ang kulay ng balat, may mga kapatid sa ibang ama, isang agwador o taga-igib ng tubig
Ina ni Impen- iniwan ng huling asawa habang kanyang ipinagbubuntis ang bunsong anak
Mga Kapatid ni Impen na sina Kano, Boyet, Diding
Taba- tinderang uutangan ng gatas para sa bunsong kapatid ni Impen
Ogor- matipunong agwador na laging nanunukso at nang-aapi kay Impen
Mga Agwador

Banghay:

Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. Nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.

No comments: