Wednesday, August 11, 2010

mga halimbawang sanaysay

Full View
Edit Draft SANAYSAY
...
From:
arson balana
...
View Contact
To:

1.) halimbawa ng isang Sanaysay:

Iba Ang Pinoy

ni Princess O. Canlas



Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay may
kanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugar
ang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirap
malaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyang
panahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugong
banyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit na
wika.

May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong at
mayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak.
Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'y
makilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay may
taglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay
masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay,
mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At ang
pagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higit
sa kayamanan.

Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob na
pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito o
hindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nang
matiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Ang
maraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindi
sinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sa
pampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatanda
o sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagi
sa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla,
paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. At
minsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mga
ito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy.

Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapat
ingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito ay
nakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Sa
iyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindi
napasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyong
ginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isang
higit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyong
kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas na
gantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyon
dito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos ang
gantimpala.

Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano.
Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa.
At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!










2.) Halimbawa ng pormal na sanaysay

MAYO 31 - "WORLD NO-TOBACCO DAY'

Mahigit sa apat na dekada na ang nakararaan, nang nagaluntang ang mundo sa isang balitang pang mediko sa posibleng panganib sa kalusugan ng tabako. Mula noon, napatunayan na ang tabako ay isang panganib na may kinalaman sa may 25 na sakit kabilang na ang kanser, sakit sa puso, atake, at peptic ulcer.

Walang alinlangan na alam na natin ngayon na ang paggamit ng tabako ay naging dahilan - at patuloy na nagiging dahilan - ng kamatayan at sakit sa malawakang antas. Sa mga papaunlad na bansa lamang, ang mapanganib na mga epekto ng tabako ay dahilan ng kamatayan ng hindi kukulangin sa 60 milyong tao bawat taon. Kung magpapatuloy ito sa 2020, ang bilang ng kamatayang ito ay aabot sa 10 milyon bawat taon. Karamihan sa mga kamatayang ito ay nagaganap sa mga papaunlad na bansa na ang 48 bahagdan ng kalalakihan at 7 bahagdan ng kababaihan ay naninigarilyo.

Ang paggamit ng tabako ay nakarating na sa nakatatakot na proporsyon at walang sinumang tao, organisasyon o gobyerno ang makapipigil sa panganib na ito nang nag-iisa. Alam ang bagay na ito ng World Health Organization (WHO), ilang taon na ang nakalipas ng idineklara ang Mayo 31 ng bawat taon bilang World No-Tobacco Day. Ito ang paraan ng WHO sa panawagan ng lahat ng kasaping bansa na himukin ang mga gumagamit ng tabako na sa isang araw man lamang ay huwag manigarilyo o yumigil na para sa kanyang kabutihan.







3.) Patalinghuli Intawon



By:Francis Lee F.



kanang kuan ba ug mohatag mo 'anwers' bahin sa sanaysay kanang tininoud kay dili lalim mag 'research' uy.., mo ambog pako ug duha ka buntod para maka 'enternet' unja hinay aju enternet kay daghan aju mogamit....lisod jud oi'.....as in....



Ni Aura

Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.

Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.

Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?

Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga laruan, kaylan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga secret notes sa likod ng mga school notebook mo, o tinignan ang mga matataas na grade na ibinigay sayo ng teacher mo, bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao?

Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.

Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.













4. )Nasaan ang Ating Kalayaan?



Apat na dahilan na nagpasiya ng ating mga gusto



Tayo ay namasyal sa buong buhay naniwalang ang lahat ng mga gusto na ating ginawa ay pinagmamay-arian natin. Hawak natin ang ating kalayaan sa pinakamataas na pagtatangi. Pero dapat ba? Tayo ba ay may totoong kalayaan na gumawa sa gusto natin?

Depinisyon ng "Kalayaan"



Ang Webster ay nagpaliwanag na ang "kalayaan" ay

ang katangian o ang kalagayan ng pagiging malaya; at

ang kawalan ng pangangailangan, pamimilit, o pamimigil ng gusto o kilos.

Tayo ay walang dudang may mga kalagayan na talagang kinikilalang pangangailangan kung saan tayo ay talagang hindi nagkaroon ng kalayaan, pero ano ang tungkol sa pamimilit o pamimigil ng gusto o kilos? Ang layunin ng sanaysay na ito ay iksaminin kung saan mayroon tayo kahit

Huwag agawin ang aking kalayaan!



Tingnan natin sa nakatakdang katayuan kung saan tayo ay segurado na mayroon tayong kalayaan, tulad ng pagpili ng kulay ng kamiseta. Piliin ba natin ang pula o ang dilaw? Sa panlabas, ito ay lilitaw na talaga ay malayang pagpili. Pero sa katotohanan, ang pagpili ay nasa priyoridad lamang.



Ako ba ay pumili batay sa anong kulay ang pinakagusto ko? Marahil ang kulay na pinakagusto ko ay nagbago. At saka, nandiyan ang opinyon ng aking kaibigan; siya ay masayang lalo na ipresenta sa akin kung ano talaga ang "bagay" sa akin. Subalit minsan ang opinyon ng aking kaibigan ay magbago din...



Kung isipin nang mabuti ng isang tao ang apat na magkaibang sitwasyong ito, madiskubre nila ang apat na panimulang elemento na nagpasya sa ating mga pagpili.

Elemento 1: "Ang pagpili ba ay nasa anong kulay na pinakagusto ko?"



Tayo ay isinilang na mayroong nakatakdang mga kagustuhan. Ang isang tao ay walang alam kung ano ang nagdetermina ng mga bagay tulad ng hindi pagkagusto ng isang uri ng pagkain, o ang kulay na mas gusto kay sa lahat ng ibang mga kulay. Sabihin natin, "Talagang ganoon ang pagkatao ko. Ako ay isinilang kasama niyan." At iyan ay tamang-tama.



Bawa't isa sa atin ay isinilang kasama ang kagustuhan para sa bawa't isa ng ating mga pandama, ito ba ay ang anong makita natin, malanghap, marinig o madama. Subalit ang mga nangungunang determinadong mga dahilan na ito ay lampas pa diyan. Tayo ay mayroon ding mga nakatakadang emosyonal na mga bagay na likas na gusto o di natin gusto.



Lahat ng mga kagustuhang ito ay nasa loob natin mula pa sa simula. Wala talaga tayong kalayaan sa pagpili sa kanilang pagpasiya, at kung wala ang panlabas na impluwensya, sila ay susundin bawa't oras. Sa ibang salita, tungkol sa mga bagay na kasama sa ating pagsilang, wala talagang kalayaan.

Elemento 2: "Marahil ang kulay na pinakagusto ko ay nagbago."



Tulad ng nasabi sa itaas, kung wala tayong mga impluwensyang panlabas, tulad ng pangangailangan o opinyon ng iba, ang ating mga desisyon ay pangunahing nakabatay sa ating personal na kagustuhan, bagay na wala tayong magawa nito dahil sa tayo ay isinilang kasama sila. Pero lahat sa isang pagkakataon o iba ay nakaranas ng pagbabago sa mga kagustuhang ito, tulad ng "dati di ko gusto ang lasa ng kamatis, pero ngayon gusto ko na." Ano ang nangyayari dito?



Ang katotohanan ay ang mga kauna-unahang mga kagustuhang ito ay magbago, sumibol paglipas ng panahon. At sa panahon ng kanilang pagbabago, ang ating mga pagpili ay magbago din kasama nito. Ibig ba sabihin nito na gumawa tayo ng malayang pagpili? Talagang hindi. Ito ay payak na nangangahulugang ang mekanismong namamahala na nasa loob natin na nagpasya kung ano ang ating piliin, kung wala tayong impluwensyang panlabas na sumalungat nito, ay kahit paano inayos panibago ang ating kagustuhan. Paumanhin, wala ring kalayaan dito.

Elemento 3: "At saka, nandiyan ang opinyon ng aking kaibigan; siya ay masayang lalo na ipresenta sa akin kung ano talaga ang "bagay" sa akin."



Ito ay mga impluwensyang panlabas, ang ating kapaligiran. Mangyari pa, sila ay nag-impluwensya sa atin halos sa lahat ng bagay. Sila ay may kapangyarihan na sila ay maaring panaigin ang ating mga kagustuhang panloob sa isang tibok ng puso. Halimbawa, mangyari ay gusto ko ang kulay berde, pero ang aking bagong kasintahan ay gustong-gusto na makita akong magsuot ng kamisetang itim. Ngayon kung mayroon kaming tipanan ngayong gabi, maari mong gunigunihin kung anong kulay ng kamiseta ang isusuot ko.



Subalit ang impluwensyang ito ay hindi limitado sa mga kaibigan at pamilya. Tayo ay palaging binomba ng mga patalastas ng telebisyon at radyo na palaging nagsabi sa atin kung ano ang ating kailangan at bakit kailangan natin ito. Ilang beses mo nakita ang bagay na kailangan mong mayroon ka at makaraan ang isang linggo lumabas ka at binili ito, ikaw ay nagtaka bakit ginawa mo iyon? Ikaw ay sadyang nahuli ng patalastas ng lipunan. Ang impluwensyang ito ay umabot sa lahat ng aspeto ng ating buhay.



Ang kapaligirang nakapaligid sa akin ay nagsabi kung ano talaga ang mahalaga sa aking buhay. Ito ang nagpasya kung gaano karami ng pera ang aking dapat kitain, paano ko ito dapat kitain, anong antas ng edukasyon ang dapat kong abutin at kahit ang kung anong klase ng pagkain ang dapat kong kainin sa hapunan ngayong gabi. "Ah"sabi mo, "ito ay kalayaan, dahil maari akong pumili sa pagitan ng dalawang pagkain para sa hapunan pagkatapos makita ang dalawang pagkain sa TV." Muling pagkabigo, dahil ang pagpiling iyon ay ginawa sa kalkulasyong simple kung anong pagkain ang makapagbigay sa iyo ng mas maraming kasiyahan. Walang Kalayaan dito.

Elemento 4: "Subalit minsan ang opinyon ng aking kaibigan ay magbago din."



Oo, ang opinyon ng kaibigan ay magbago din. Pati na rin ang opinyon ng ating lipunan. At iyon ang huling dahilan sa paggawa ng ating mga desisyon. Kailangan lamang tingnan ng isang tao kung paano ang mga estilo ay nagbago bawa't taon upang makita ang dahilang ito sa kanyang kaluwalhatian. Ang mga damit ay maiksi ng makalipas na taon at ang aking anak ay nangailangan ng anim na bagong damit. Sa taong ito, ang mga damit ay lalong mahaba. Uh oh siya ay nangangailangan ng mas marami.



Ano ang nangyari dito? Magaling, ang impluwensya ng lipunan ay sumibol din. Makita talaga natin ito sa edukasyon. Tatlumpong taon ang nakalipas, ang digri ng kolehiyo ay magandang simula. Ngayon ito ay lubos na pangangailangan at ang digring nagtapos sa master's o doktoral ay ang magandang simula. Muli, walang kalayaan ang makita kahit saan.



Sa ganoon kung tayo ay isinilang kasama nito, at ng mga pagbabago nito, pati na rin ng ating panlabas na kapaligiran ang siyang namamahala sa atin at nagpasya ng lahat ng bagay na ating ginawa, nasaan kung mayroon man ang kalayaan sa ating buhay?



Totoo na ang apat na dahilang ito ang namahala sa bawa't isang bagay na ating ginawa. Pero mayroong isang lugar ng kalayaan. Hindi natin mabago ang kung ano na kasama sa ating pagsilang, subalit maaring pagpasyahan natin ang kapaligiran na pinili natin saan tayo mamuhay. Ang isang pagpiling ito ay ang tanging punto ng kalayaan sa ating buong buhay.



Kung madiskubre na isang tao ang layunin kung bakit nandito siya sa planeta, sa ibang salita, ang dahilan ng kanilang buhay, ang kanilang dapat gawin ay ang piliin ang kapaligiran na sumang-ayon sa dahilang mas mataas kaysa ibang bagay. Ang pagpiling ito ng kapaligiran ay garantiyang lubos na ang tao ay makarating sa layunin ng kanilang buhay.

Ang Daigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag











5.) ANG DAIGDIGANG ARAW SA KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

ni Greg Bituin Jr.



Nuong 1991, inirekomenda ng Pangkalahatang Kumperensya ng UNESCO sa United Nations General Assembly na iproklama ang Mayo 3 bilang Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag sa kumbensyon ng African Press sa Windhoek, Namibia nuong Abril 19 hanggang Mayo 3, 1991. Ito'y sinang-ayunan ng mga dumalo. Ang mga nagsidalo ay mula pa sa 35 bansa sa Aprika at mga NGO. Dumalo sila sa Windhoek upang talakayin ang tungkol sa kalayaan sa pamamahayag at pananalita, kasarinlan at media pluralism. Tinalakay din nila ang mga pagkakapaslang, panggigipit at pambabastos sa mga mamamahayag at nagpahayag ng inabilidad ng ilang gobyerno na resolbahin ang mga krimen laban sa mga mamamahayag.



Ngayong taon, umaabot na sa walumpu't anim na Pilipinong mamamahayag ang napapaslang, ayon sa ulat ng Philippine Movement for Press Freedom (PMPF), alyansa ng mahigit limampung media-based organization sa buong bansa. Nuong nakaraang taon, apat na mamamahayag ang napaslang sa loob ng apat na magkakasunod na buwan. Nitong nakaraang Enero 21, binaril at napatay si Bienvenido "Benjie" Dasal, reporter ng Radio Mindanao Network. Sa kabuuan, isang mamamahayag na ang napaslang sa panahon ni Estrada; labingsiyam (19) sa panahon ni FVR; tatlumpu't apat (34) sa panahon ni Cory; at tatlumpu't dalawa naman sa panahon ni Marcos. Ang rekord sa panahon ni Marcos ay ulat mula sa Asosasyon ng mga Komentarista at Anawnser sa Pilipinas (AKAP). Walang nasaliksik na record tungkol sa mga napaslang na mamamahayag bago sa panahon ni Marcos, maliban kay Ermin Garcia ng dyaryong Sunday Punch sa Dagupan, Pangasinan na pinaslang nuong late 60s.



Sa mga pamantasan, marami na ring naisarang mga dyaryong pangkampus. Ang mga kasong ito'y katatangian ng harassment sa mga campus journalists, censorship at marami pang iba. Ang ilan sa mga ito ay ang publikasyong Chi Rho ng Miriam College dahil sa kanilang koleksyon ng mga tula na may pamagat na "Libog at Iba Pang Tula", at ang publikasyong Hotline ng St. Louis University sa Baguio City dahil sa pakikibaka nila laban sa tuition fee increases.



Ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat tamasahin ninuman, dahil ito ang isinasaad ng ating Konstitusyon at pundasyon ng demokrasya. Kung walang kalayaan sa pamamahayag, hindi rin tayo malaya, dahil hindi natin maipahayag ang ating nasasaisip at nararamdaman. Kahit ang apat na sulok ng paaralan ay hindi dapat maging sagwil upang kilalanin at igalang ang kalayaan sa pamamahayag. Ang "press freedom" ay tinatamasa lamang ng mga mayayaman. Buti pa ang karamihan ng dyaryo, nagbibigay ng malaking espasyo ng balita tungkol sa mga artista kahit wala namang kabuhay-buhay, pero wala namang maibigay na espasyo tungkol sa pakikibaka ng mamamayan. Kung may espasyo man, ito'y pampalubag-loob sa mga mahihirap. Isa sa mga bumaboy ng press freedom ay ang pamilyang Gokongwei, may-ari ng Manila Times, kung saan anim na editor nito ang nag-resign. Ang pamamahayag at ang kalayaan sa pamamahayag ay responsibilidad ng mga dyornalista, at hindi isang linya lamang ng gawaing dapat pagkakitaan. Ang nangyari sa Manila Times ay isang patunay na walang pakialam ang mga kapitalista sa press freedom ng ating bansa. Ang mga balitang inihahatid ng mga dyornalista sa mga mamamayan ay hindi na isang responsibilidad, kundi isa nang ngosyo na kailangang pagtubuan.



Sa darating na Mayo 3, tayo'y magsama-sama't ating ipahayag na ang tunay na kalayaan sa pamamahayag ay hindi natin tinatamasa sa sistema ng lipunan na kasalukuyang umiiral sa bansa. Ating ipahayag sa Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag ang ating pagkkaisa laban sa mapanlinlang na sistema. Huwag nating hayaang babuyin ng mga kapitalista ang ating kalayaan sa pamamahayag.











6.) Ano ang mga halimbawa ng sanaysay

Iba ang Pinoy

ni Princess O. Canlas



Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay may

kanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugar

ang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirap

malaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyang

panahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugong

banyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit na

wika.



May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong at

mayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak.

Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'y

makilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay may

taglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay

masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay,

mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At ang

pagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higit

sa kayamanan.



Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob na

pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito o

hindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nang

matiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Ang

maraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindi

sinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sa

pampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatanda

o sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagi

sa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla,

paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. At

minsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mga

ito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy.



Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapat

ingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito ay

nakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Sa

iyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindi

napasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyong

ginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isang

higit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyong

kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas na

gantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyon

dito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos ang

gantimpala.



Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano.

Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa.

At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!













7.) Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

Submitted by Alexander Dagrit on April 8, 2009 - 11:31am. sanaysay kay rizal



Pasakalye: Nakatutuwa ang interes para kay Rizal at iba pang bayani ng maraming FW users. Bilang karagdagan, nais kong ibahagi ang sanaysay na ito na isinulat ni Jon E. Royeca at nalathala sa Liwayway nito lamang Enero 12, 2009.



NANG nabubuhay pa si Jose Rizal, tinitingala na siya ng kanyang mga kababayan bilang ang kanilang gabay tungo sa mga pagbabago, himagsikan, at kasarinlan mula sa pananakop ng Espanya. At nang pumanaw na siya, ang mga mamamayang Pilipino rin ang kumilala sa kanya bilang ang kanilang pinakadakilang pambansang bayani.



Nang mga taong 1880-89, ang mga propagandistang Pilipino sa Espanya at iba pang bansa sa Europa ay nagpahayag na si Rizal lamang ang natatanging may kakayahan na pag-isahin silang lahat, isang ulirang Pilipino, ang kinatawan ng Oceania-Española, ang ulong tagatangkilik ng mga Pilipino, ang marilag nilang kababayan, ang natatanging Pilipino sa panitik, at may katha ng iba’t ibang akda na naging karapat-dapat sa papuri ng madla.



Siya ay inihalal din nila nang buong pagkakaisa bilang ang pandangal na pangulo ng kanilang samahan, Asociación La Solidaridad (Kapatirang Pagkakaisa), na itinatag noong Disyembre 31, 1888, sa Barcelona , Espanya. Si Marcelo Del Pilar, ang pinakamahigpit niyang katunggali, ay pinagpugayan ang kanyang liredatong moral at intelektuwal.



Kultong Rizalismo



Sa Pilipinas, itinatag ni Andres Bonifacio ang kultong Rizalismo o ang tradisyon ng pagdakila kay Rizal.



Bilang supremo ng Katipunan, ipinag-utos niya na gamitin ang salitang Rizal bilang banal na salita ng Bayani, ang pinakamataas na antas na Katipunero; isabit ang mga larawan ni Rizal sa mga bulwagang pulungan ng Kataastaasang Sanggunian ng Katipunan at iba pang pook-pulungan; at gamitin ang pangalan ni Rizal bilang sigaw ng Katipunan para sa pagkakaisa at kalayaan. Inihalal din niya si Rizal bilang ang pandangal na pangulo ng Katipunan, at kinalap ang mga pananaw ni Rizal tungkol sa kanilang mga balak laban sa Espanya.



Noong mga unang bahagi ng 1897, habang nasa Cavite at namamagitan sa mga lokal na pangkat ng Katipunan doon, nagpalabas si Bonifacio ng isang kalatas na kumukundena sa mga kahayupang pinaggagagawa ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino, at sa “katampalasanang pagpatay sa ating pinakaiibig nating kababayan na si M. Jose Rizal.”



Pinakadakilang Bayaning Pilipino



Noong Marso 22, 1897, nahalal si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo na pumalit sa Katipunan. Noong Disyembre 1897, matapos lagdaan ang isang kasunduang pakikipagpayapaan sa mga mananakop ng Espanyol, tumulak siya at ang kanyang mga kasama patungong Hong Kong; subalit dahil walang anumang hangad ang mga Espanyol na tumupad sa kasunduan, ipinasya nilang bumalik sa bansa. Noong Abril 1898, nagpalabas ang mga kasamahan nila ng isang proklamasyon, na ang pangwakas na bahagi ay nagsabing:



“Kasingwalang-saysay din ang mga walang halagang pangalan natin, subalit ang bawat isa sa atin at lahat tayo ay tumatawag sa pangalan ng pinakadakilang bayani na nasaksihan ng ating bansa, sa tiyak at lubos na pag-asa na ang kanyang diwa ay mapapasaatin sa mga oras na ito at gagabayan tayo tungo sa tagumpay―ang ating imortal na si Jose Rizal.”



Kinilala ng dokumentong ito, na nilagdaan ng mga kasapi ng Komite Sentral Pilipino na nakahimpil sa Hong Kong , si Rizal bilang ang pinakadakilang bayani ng mga mamamayang Pilipino. Batid ng mga pinunong manghihimagsik na siya ang kanilang inspirasyon, nag-aalab na sigaw, at walang kapantay na kababayan, kung kaya’t ang pinakadakilang bayani na umusbong sa kanilang bansang sinilangan.



Ang sambayanang Pilipino ang nakadama, kumilala, at nagbunyi na ang pinakaiibig na Pilipino at ang pinakatanyag na martir na Pilipino ang siyang pinakadakilang bayaning Pilipino.



Hula ni Rizal



Bumalik sa bansa si Aguinaldo noong Mayo 19, 1898, at nang sumunod na Hunyo 12, ay idineklara ang kasarinlan ng bansa mula sa Espanya. Ang isang bahagi ng Akta ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng mga Mamamayang Pilipino ay nasusulat nang ganito:



“Kinikilala, sinasang-ayunan, at kinakatigan namin, kasama ang mga atas na naipalabas na, ang Diktadurya na itinatag ni Don Emilio Aguinaldo, na aming kinikilala bilang Kataas-taasang Pinuno ng Bansang ito, na simula sa araw na ito ay may sarili nang buhay, sa aming paniniwala na siya ang tao na pinili ng Diyos, sa kabila ng kanyang abang pinagmulan, upang maisagawa ang pagtubos sa aming walang-palad na bayan, na inihula ni Doktor Jose Rizal sa kanyang mga maiindayog na taludtod na binalangkas niya sa kanyang piitan bago siya barilin; pinalalaya ito mula sa pananakop ng mga Espanyol bilang parusa sa mga pagmamalupit ng mga tauhan ng pamahalaan na may pahintulot nito, at sa walang-katarungang pagbaril sa nasabing Rizal at sa iba pang isinakripisyo para sa katiwasayan ng mga walang-kasiyahang prayle. …”



Ayon sa bahaging ito, ang hula ni Rizal tungkol sa kalayaan ay naisasakatuparan na—ang bansa ay pinalalaya bilang parusa sa Espanya dahil sa mga pang-aabuso nito at sa pagpatay kay Rizal at iba pa. Ang hulang iyon ay nasa ikasiyam na saknong ng huling tula ni Rizal, na ganito ang pagkakasulat:



“Idalangin mo rin ang mga namatay na kinulang-palad,



“Ang nagsipagtiis ng mga pahirap na walang katulad;



“Mga ina namin na inihihibik ang kanilang saklap,



“Ang mga kapatid, balo’t napipiit sa madlang pahirap,



“At ang sarili mong nawa’y makakita ng paglayang ganap.”



Ang paglayang iyon ay walang iba kundi ang muling pagkakamit ng kasarinlan ng Pilipinas. Natamo iyon noong Hunyo 12, 1898, nang ipahayag na ng mga Pilipino sa buong mundo na sila ay malaya at magsasarili na bilang isang bansa. At hindi nalimutan ng mga ama ng bansa na si Rizal ang naghikayat at humula niyon.



Unang Araw ni Rizal



Noong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng isang atas na nagtatalaga sa Disyembre 30 bilang isang pambansang araw ng pagluluksa “alang-alang sa manga daraquilang filipinong uagas magsilingap sa tinubuang bayan na si Dr. Rizal at iba pa, na pinasaquitan nang lumipas nang capangyarihang castila.”



Nilinaw ng atas na isasagawa ang pagluluksa sa pamamagitan ng paglalagay ng bandilang Pilipino sa kalahating tagdang nito mula ika-12:00 ng tanghali ng Disyembre 29 hanggang ika-12:00 ng tanghali ng susunod na araw, at sa pamamagitan ng pagpipinid sa lahat ng tanggapan ng pamahalaang rebolusyunaryo sa buong maghapon ng Disyembre 30.



Pinili ng mga ama ng bansa ang araw ng kamatayan ni Rizal bilang ang naaangkop na pista opisyal para sa mga bayaning Pilipino, sapagkat siya ang Pilipinong karapat-dapat na mabigyan ng isang natatanging araw ng pagkilala. Hindi nila pinili ang araw ng kamatayan nina Lopez Jaena (Enero 20), Del Pilar (Hulyo 4), o ng Gomburza (Pebrero 17). Ang iba pa ay hindi kasindakila niya at hindi karapat-dapat ng isang natatanging araw ng pagkilala; kaya, ang mga pagpapakasakit ng iba pang mga bayaning Pilipino ay sumabay na lamang sa pinapaging-banal na araw niya.



Ang mga panghimagsikang pahayagan ay naglabas ng mga isyung dinadakila ang Araw ni Rizal: ang La Independencia (Kasarinlan) noong Disyembre 29, 1898; at ang Republica Filipina (Republika ng Pilipinas) at El Heraldo de la Revolución (Taliba ng Himagsikan), ang opisyal na pahayagan ng pamahalaang Pilipino, noong Disyembre 30, 1898. Sa mga isyung ito, inilathala ang ilan sa mga tula at sanaysay ni Rizal, samantalang ang kanyang buhay, mga gawa, at kabayanihan ay tinalakay.



Ipinagdiwang ang pistal opisyal na iyon ng Samahang Filipino sa Maynila sa pamamagitan ng isang palatuntunang awitan-pampanitikan. May mga awit, pagpapatugtog ng piano at gitara, pagbasa ng mga tula , pagbigkas, at mga pagtalakay tungkol sa buhay at gawang pampulitika ni Rizal na isinagawa at sinaksihan ng mga tanyag na Pilipino noon, tulad nina Pedro Paterno, Telesforo Chuidian, Fernando Ma. Guerrero, at Antonio Luna.



Pinag-alab ng unang Araw ni Rizal ang dangal ng bayan. Naglaan ang mga tao ng isang tampok na araw upang ipagdiwang ang isang kamangha-manghang nakaraan ng pinakadakilang martir mula sa sariling lahi, at ang mga pagpapakasakit ng iba pang bayani ng lupang tinubuan. Binigyan iyon ng La Independencia ng isang tumpak na paglalarawan: “Ang Disyembre 30 ang unang kaguni-gunitang petsa na naitala sa ating pambansang kasaysayan.”



Yaon ang mga hakbang kung paano dinakila ng mga Pilipino si Rizal bilang ang kanilang pambansang bayani.



Isang Kabaliwang Haka-haka



May isang teoriya o haka-haka na nag-aangkin na ang mga Amerikanong mananakop na awtoridad, partikular na si William Howard Taft, ang nagdeklara kay Rizal bilang ang pambansang bayani, ang naghikayat sa kulto ng pagdakila kay Rizal bilang ang pinakadakilang bayani ng bansa, at ang nagtatag sa Disyembre 30 bilang isang pista opisyal.



Si Taft, na dumating sa bansa noong Hunyo 3, 1900,ay naglingkod bilang tagapangasiwa ng Ikalawang Komisyon ng Pilipinas, ang awtoridad na nilikha ng pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley upang maging tagabalangkas ng mga batas ng pamahalaang kolonyal ng Amerika sa Kapuluang Pilipinas.



Ayon sa haka-haka, dahil si Taft, sa isang pulong ng Komisyon, ay nagpasya na si Rizal ang maging pambansang bayani, naging pista opisyal na ang Araw ni Rizal mula noon. Ang pasya ni Taft ang naging simula ng Araw ni Rizal.



Ang totoo ay: Walang batas, proklamasyon, o anupamang kasulatan na nilagdaan ni Taft at kung saan sinabi niyang, “Ako, si William Howard Taft, ay pormal na idinedeklara si Rizal bilang ang inyong pambansang bayani.” Wala.



Noong 1920-29 at 1930-39, ang ilang Amerikano na sumulat ng mga aklat tungkol sa Pilipinas ay walang muwang hinggil sa mga paghanga, papuri, at sa pista opisyal na iginawad na ng mga Pilipino kay Rizal. Ang kawalang-muwang nila ang naghatid sa kanila na maghinuha, magdiin, at sa bandang huli ay mag-angkin na ang mga Amerikanong mananakop ang nagluklok kay Rizal sa kadakilaan. Kaya, isinilang ang haka-hakang ito, at mula noon ay marami nang mga mambabasa, mag-aaral, manunulat, at iskolar ng kasaysayan ng Pilipinas ang nalinlang nito.



Ang haka-hakang ito ay isang kabaliwan, kung hindi man katangahan, dahil paanong ang di-umano’y pasya ni Taft na gawing pambansang bayani si Rizal ang magiging simula ng Araw ni Rizal gayong bago pa dumating sa bansa si Taft, ang mga Pilipino ay kinikilala na si Rizal bilang ang kanilang pinakadakilang bayani at ipinagdiwang na ang Disyembre 30 bilang ang kanilang kauna-unahang pambansang pista opisyal?



Kasaysayan ang may katha na ang sambayanang Pilipino ang nagdakila kay Rizal bilang ang gabay nila tungo sa kabansaan, ang propeta ng kanilang kasarinlan, ang pandangal nilang pinuno, ang sigaw nila para sa digmaan at kalayaan, ang pinakaiibig nilang kababayan, at ang kanilang pinakadakilang bayani—ang kanilang pambansang bayani.













8.) Genoveva Edroza Matute (1915-2009)

Ipinaskil noong Marso 26, 2009 ni Roberto Añonuevo



Genoveva Edroza Matute

Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang magtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.

Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na sinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na magiging Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang paninindigan sa pagsusulong wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap na karanasan noong nasa elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni Aling Bebang:

Mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya (baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.” Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking the dialect.

Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging malaya na ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin—upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto ng Ingles—subalit masama ang naging epekto sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Maliit pa siya’y naiisip na: “Biglang naipit sa desk ang paa ko. Siyempre, masasabi ko ang Aray! Ang lagay ba, iisipin ko muna ang tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ng mahahabang sandali ay saka pa ako dadaing ng Ouch!”

Hindi rin batid ng nakararami na may mga pinaaral na iskolar si Aling Bebang (na ginagawa yaon bilang pagpupugay sa kaniyang inang si Maria Magdalena), at ang dalawa sa mga ito ay nagpasalamat sa kaniya noong kaniyang burol. Malimit sabihin ni Aling Bebang sa kaniyang mga iskolar: “Mag-aral kayo at magsumikap. At kapag kayo’y nakatapos ay tumulong din kayo sa ibang tao upang mabawasan ang kanilang paghihirap.” Akala ng iba’y sadyang masungit at mahigpit si Aling Bebang, yamang walang anak at maagang nabalo nang yumao ang manunulat na si Epifanio G. Matute. Malambot din pala ang kaniyang puso sa mga kabataang masikap ngunit dukha.

Hindi kataka-taka ang pagmamalasakit ni Aling Bebang sa kaniyang mga kabataang iskolar. Ang pagnanais na umangat sa pamamagitan ng edukasyon ay matutunghayan kahit sa kaniyang kuwentong “Bughaw pa sa likod ng ulap” na tungkol sa magkapatid na naghirap at natutong mabuhay sa pangangalap ng basura nang maulila sa ama pagkaraan ng digmaan, ngunit sa kabila ng lagim ay mangangarap pa rin ang isang bata na makatapos ng pag-aaral.

Sa isang kuwentong pinamagatang “Lola,” inilahad ni Aling Bebang ang isang pangyayari sa pananaw ng isang inang dukha na may sandosenang anak. Nakatagpo ng babae sa ospital ang isang matandang mayaman, na sa unang malas ay pasyente ngunit ang totoo pala’y doon lamang tumitira sa ospital kahit walang sakit yamang walang nag-aalaga sa kaniyang kaanak. Inalok ng matanda ang babae na ampunin na lamang niya ang isang anak, at tutumbasan niya ng salapi iyon para sa ikaaangat ng buhay ng pamilya ng babae. Sa dulo ng kuwento, lumayo ang babae at humabol naman ang matanda. Walang sinabi ang babae ngunit nakintal sa kaniyang gunita ang matandang bihis na bihis at nahihiyasan, iniaabot ang supot ng pasalubong, at ang kanang kamay ay nakalahad na umaabot sa patalilis na kausap.

Ipinamalas lamang ni Genoveva Edroza Matute na kahit sa kuwento ay hindi dapat sabihin ang lahat, at mabisa ang pahiwatig ng mga larawan o tagpo. At kahit sa tunay na buhay, may mga bagay na mabuting ilihim, kahit ang tapat na pagtulong at pagmamahal sa kapuwa at kababayan.

















9.) The Insurrecte and The Colegiala

Dolores S. Feria



Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana . Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensya at pag-ibig kay Josephine Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mat Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong ika-29 ng Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong ika-27 ng Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephinwe Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sda daungan papuntang Maynila.

Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.

Isang paggtalakay sa sanaysay ni Dolores S. Feria,
Ang The Insurrecte and The Colegiala

Ang sanaysay ay tumutukoy sa mga kaugaliaang taglay nina Lenor Rivera, Doña Teodora Alonzo, at Josephine Bracken. Ang tatlo sa mga babaeng nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Inihalintulad ng may-akda si Leonor Rivera kay Maria Clara, bilang isang kolehiyala at walang hanggang pag-ibig ni Rizal. Maaalalang ang sulat ni Leonor Rivera kay Rizal noong Disyembre 1890 ang lubhang nagbigay kalungkutan kay Rizal. Ang sulat na ito ay nagpapabatid ng pagpapakasal ni Leonor sa isang Henry Kipping, isang British Engineer sa Maynila partikular sa Dagupan Railway. Samantalang si Doña Teodora Alonzo ang ulirang ina ni Rizal na siyang nagbigay sa kanya ng unang edukasyon at mga pangaral sa relihiyon. Sa kabilang bahagi, si Josephine Bracken ang inihahalintulad sa pag-uugali ni Salome (tauhan sa Noli Me Tangere), bilang liberal na babae sa pagkilos, pagsasalita, at paniniwala. Nakilala ni Rizal si Josephine Bracken ng sumama ito sa kanyang amain, na nakilala bilang George Taufer, upang magpagamot kay Dr. Jose Rizal. Naging asawa ni Dr. Jose Rizal si Josephine at nanirahan sila sa Dapitan bilang mag-asawa. Nagkaroon sila ng anak na lalaki subalit namatay sa loob ng tatlong oras pagkatapos ipanganak.

Makikita sa kabuuan ng sanaysay na binigyang-pansin ng may-akda ang mga mahahalagang kontribusyon ni Josephine Bracken sa Rebolusyon sa halip na hangaan ang mala-Maria Clara na pagkilos ni Leonor Rivera. Sa literatura ng Pilipinas sa ngayon, ay makikita na isa si Leonor Rivera sa mga pinaka-nababanggit at pinahahalagahang Pilipina kasama nina Gabriela Silang at Cory Aquino.

Bilang mag-aaral ng kursong tumatalakay sa Buhay at mga Akda ni Rizal ay iminumungkahi ng grupo na marapat lamang bigyan ng sapat na pagtingin si Josephine Bracken. Na dapat maging basehan ang mga mahalang ambag nito sa kasaysayan kagaya ng pagiging bahagi sa Tejeros Convention noong Marso 22, 1897 at bilang mahalagang inspirasyon bukod sa pagiging manggagamot ng mga sundalo. Higit sa lahat dapat nating tingnan ang katapatan ni Josephine Bracken kay Rizal sa kabila ng pagdududa ng mga kapamilay nito at hindi ang kanyang mga kakulangan bilang tao.









10.) Ang paaralan sa mata ng mga mag-aaral
Sanaysay ni Marlon C. Magtira

May mga pagkakataon na namomroblema ang ilang mag-aaral dahil sa kakapusan ng kanilang pangtustos sa pag-aaral. Isang estudyante ang lumapit sa akin at nagsabing baka bumagsak siya sa kanyang practical arts class dahil wala siyang pambayad para sa mga proyekto. Ito kasing teacher niya, may sistemang hindi maganda. Upang makapasa ang mga estudyante, kinakailangang silang makakuha ng kaukulang puntos sa pagtatapos ng klase. Makukuha lamang ang puntos sa pamamagitan ng partisipasyon sa mga gawain sa klase pagrereport, pagrerecite at syempre, pagpapasa ng mga project. Ang kaso, hindi libre ang mga gamit para makapagreport, makapag-recite at makakuha ng mga kagamitan sa projects. Hindi naman makapagreklamo ang pobreng mahirap na estudyante dahil baka lalo pang lumala ang kanyang problema. Hindi lamang siya ang may problemang katulad nito. Marami pang iba.

Mayroon naman akong estudyante na sa tingin ng ilan ay hindi mabuting mag-aaral. Pero masasabi ko na marunong siya dahil sa kanyang mga sagot sa talakayan. Mahihinuhang nauunawaan niya ang aming paksa at nakapagbibigay pa nga siya ng malalalim na ideya na nakatutulong ng malaki sa daloy ng aming diskusyon. Kaya lang, masasabi ko rin na hindi siya nagsisikap. Sa tingin ko ay makakakuha siya ng matataas na marka kung pagsisipagan niya ang kanyang pag-aaral. Sa tingin ko ay kuntento na siyang makapasa o kaya'y makuha ang kinakailangang marka para manatili sa unibersidad. Minsan ay naghahanap pa siya ng butas para pangatwiranan ang kanyang katamaran.

Sa isang pagkikita, mayroon akong ipinapasang sulatin bilang paghahanda sa aming talakayan. Syempre, mayroong mga panutong dapat sundin sa paggawa ng sulatin. Subalit malinaw na hindi sinunod ng mag-aaral na ito ang wastong paraan sa gawain. Ang kanyang ipinasa ay resulta ng pagmamadali at marahil ay para lamang masabi na mayroon siyang ipinasa. Pagkatapos ng klase ay kinausap ko siya at sinabi ko sa kanya na maaari pang maging maaayos ang kanyang nagawa kung paglalaanan lamang niya ito ng wastong panahon. Subalit sinabi niya sa akin na... ano ang aking magagawa, e sa hanggang doon lang ang aking kakayahan... Sir, pinaghirapan ko yan, nagsusumikap na nga akong mag-aaral tapos papahiyain n'yo pa ako"

Ito namang isa, palagi na ngang mababa ang nakukuha sa mga pagsusulit, hindi pa nakikiisa sa mga gawain. Pilit bang sinasabi sa kanyang sarili na wala siyang kakayahan. Naaalala ko noong simula pa lamang ng pasukan, nag-ipit siya ng sulat sa aking lamesa. Sabi niya … "Sir, I'm hope that I will passed this subject because it was my third time…" O-may-gulay!!! Ano ba ito? Hanggang sa matapos ang klase, kahit na anong pilit ang gawin ko para lamang makiisa siya sa mga gawin ay nandoon pa rin siya sa kanyang sariling daigdig sa sulok ng silid. Sa sumunod na taon, hindi ko na siya nakita dahil hindi pinapayagan sa aming paaralan ang pag-ulit ng aralin sa ikaapat na pagkakataon.

Hindi mainam na karanasan sa paaralan ang aking mga nabanggit. Para sa mga mag-aaral, sa halip na lalawak ang kanilang kaisipan ay maaari pang kumitid dahil sa mga ganitong pangyayari.

Isa namang mag-aaral ang nagsabi sa akin, kailangan pa ba talagang pumasok sa paaralan ang mga kabataan? Madali mong masasabi na napaka-estupidong tanong ang tulad nito? Subalit namangha ako sa tinuran ng aking estudyante. Sabi nya, "hindi ba't ang paaralan ay sinasabing lugar na maghahanda sa kabataan upang harapin ang mga suliranin sa lipunan? Hindi ba't ang paaaralan ang sinasabing magbibigay sa atin ng mga kaalaman upang ang kabataan ay magkaroon ng makabuluhang pakikilahok sa mga gawain sa lipunan? E ano ang nakikita natin? Natutunan namin ang mga bagay na dapat gawin para pagdating ng panahon ay kaharaping muli ang parehong suliranin sa lipunan. Kung ano ang ginawa ng naunang henerasyon ay gagawin din namin. Siyempre parehong problema, parehong paraan ng paghahanap ng solusyon, parehong hindi makakamit ang solusyon… walang pagbabago."

Masasalamin sa mga mata ng estudyanteng ito na natutunan niya ang kanyang mga aralin. Nalaman niya na siya'y isang mahalagang bahagi ng lipunang kanyang ginagalawan. At alam niyang dapat kumilos para sa pagbabago para sa kaunlaran. Paano nga naman uunlad kung walang pagbabago.

Napakahalaga ng paaralan, hangga't nagdudulot ito ng kaunlaran para sa mga pumapasok dito. Kung hindi nga naman nakatutulong at sa halip ay nakapeperhuwisyo pa ay dapat nga lang na wasakin ang mga paaralan. Bago natin sisihin ang paaralan, tingnan muna natin kung ano ang ating ginagawa. Paano ba natin tinitingnan ang ating paaralan?

Itinanong ko sa mga estudyante ko: Bakit nga ba kayo pumapasok sa paaralan? Sabi ng marami... "e, kasi dapat e… dapat makatapos para magkatrabaho ng maganda… dapat me alam ka kasi hindi maganda kapag wala kang alam…" Ganoon ba iyon?

Dapat isaisip ng mga mag-aaral na sila ay pumapasok hindi dahil sa kariwasaang kanilang makakamtan sa hinaharap, kundi dahil nais nilang magkaroon ng kaalaman. Kung pumapasok ka sa paaralan dahil napipilitan ka lamang, maaaring ka ngang makatapos subalit malaki ang posibilidad na hindi mo magagamit ang iyong mga natutuhan. Magiging pansamantala lamang ang mga ito dahil ang mga bagay na ipinilit malaman ay madaling malilimutan. Magkakaroon ka ng mapagsikap na gawi kung sasabihin mo sa iyong sarili na pumapasok ka sa paaralan dahil nais mong magkaroon ng kaalaman. Kung ito ang iyong isasa-isip, magkakaroon ka ng masidhing pagnanais na matutunan ang mga bagay na maaari mong magamit tungo sa iyong kaunlaran.

Para sa mga Pilipino, napakataas ng ating tingin sa edukasyon na madalas ay ikinakasing-kahulugan sa mga paaralan. Kung nakapag-aral ka, mas madali ang iyong pag-unlad. Kaya, ang edukasyon ay nagmimistulang puhunan at balang araw ay malaki ang tubo. Ang edukasyon ay proseso ng pagkatuto samantalang ang paaralan ay isang instrumento ng edukasyon. Sa halip na ang paaralan ay magiging insrumento ng karunungan ay nagmimistula itong paluwagan na may inaasahang malaking sahod balang araw. Hindi naman natin masisi ang ating mga magulang dahil sawang-sawa na sila sa kahirapan. At marahil ay nais nga nila na tayo ay umunlad.

Ano kaya ang mangyayari kung magiging ganito ang takbo ng pag-iisip ng lahat ng mag-aaral? Nakaiinis kung wala kang pambili ng mga kagamitan para sa mga proyekto. Hindi ka na magsisikap na magkaroon ng mas malawak na kaalaman dahil pwede na ang makapasa lang. Hindi ka magsisikap dahil hanggang doon lang iyong kakayahan. At ang pinakamasama, hindi tayo makatutulong para sa kaunlaran ng ating bayan. Hindi tayo magiging instrumento para sa makabuluhang pagbabago ng ating lipunan… Ikaw, bakit ka nag-aaral?










11.) SALTIK-PANITIK: BALAGTASAN

ni Bert Cabual



TUNAY na sa paglipas ng mga dantaon ay buhay at umaalingawngaw pa ang tinig ng Balagtasan sa Filipinas at sa iba pang panig ng daigdig. Hindi man singningning ng mga nakaraan, ito’y nasasaksihan pa sa entablado ng mga liwasang-bayan at sa tanghalan ng mga paaralan sa ating bansa. Sa Ibayong-dagat nama’y di nagpapabaya ang mga Filipinong nangingibang-lupa na magtanghal ng Balagtasang kamanyang ng ating pagkalahi. May web site pang OFW-Ang Bagong Bayani na nagtatangkakal ng sining ng debate sa tula at pinamamatnugutan ng kaibigan naming Rafael A. Pulmano, isang makatang may lantay (kumbaga sa ginto) na pagkahilig at malasakit sa pananalunton sa mga bakas ni Balagtas.












12.) SALTIK-PANITIK:
ISANG BAGAY ANG TIYAK

ni Rafael A. Pulmano



Sa isang katulad ko na naghahanapbuhay sa ibang bansa, maihahambing sa matinding pagkauhaw sa gitna ng tuyot na disyerto ang sa tuwi-tuwina'y nadaramang pananabik na makauwi sa Pilipinas at makapiling ang mga mahal sa buhay kahit sa maigsing panahon.

At bagama't mas mabilis na ngayon ang komunikasyon sa maraming panig ng daigdig – salamat sa biyayang dulot ng makabagong teknolohiya gaya ng email at internet – hindi pa rin maiwaksi sa isipan ng isang OFW ang pangamba hinggil sa kung nasa mabuti ba at ligtas na kalagayan ang kanyang pamilya sa kabilang panig ng dalampasigan.

Ito ay bunga na rin ng pag-abuso ng ilang kapwa-Filipino, lalo na yaong nasa media (pangunahin na ang telebisyon, peryodiko at radyo) na parang naging obsesyon na ang paghalukay sa mga kabulukang nagaganap sa bansa para ipangalantaran sa madla. Patayan dito, nakawan doon, korapsyon sa kung saan-saang ahensya ng pamahalaan, patuloy na pagtaas na insidente ng H1N1 virus, at ibang nakaliligalig kung di man nakagigimbal na balita.

Kung ang sinasabi ng media ang paniniwalaan ay talagang napakasama na ng sitwasyon sa Pilipinas at mabibilang marahil sa daliri ang maituturing na marangal at matapat na Filipino, lalo na sa mga naninilbihan sa gobyerno. Tila ba wala nang tinatanaw na pag-asa ang bansa.

Ganyan ang paniniwala ko hanggang makapagbakasyon ako noong kalagitnaan ng Mayo nang taong ito.

Nakapasyal ako sa iba't ibang pook ng sinilingan at kinalakihan kong nayon, ang Barangay De la Paz, na napakalaki na pala ng ipinagbago mula nang huli akong umuwi.

Hindi ko maiwasan ang hindi makadama ng pagmamalaki at malaking katuwaan nang makita ko pa lamang ang barangay hall ng De la Paz. Opisinang-opisina ang dating at di parang tambayan lamang ng mga tanod at kung sinu-sino pang nais magpalipas-oras. Kompyuter na ang gamit sa pag-iisyu ng barangay clearance at pagpoproseso ng iba pang dokumentong sinasadya ng mga ka-barangay. Mayroon pang munting aklatan at ilang yunit ng kompyuter para sa mga nais magbasa at magreserts sa internet.

Sinamahan ako nina Barangay Chairman Christopher "Toppe" Alba at Administrator Rodolfo "Jun" Pulmano sa tabing dagat, at doon ay nasaksihan ko mismo ang mga proyektong pagkabuhayan at pampalakasan, at hinangaan ko ang bagong pagbibihis ng aking mahal na nayon tungo sa pagbabago at kaunlaran.

Kulang ang panahon ko para mapuntahan lahat ang nais kong pasyalan, at kapos rin ang espasyo rito para maipahayag ko ang malaking kasiyahan at pagmamalaking namamayani sa aking puso, una – bilang Filipino, at pangalawa – bilang mamamayan ng Barangay De la Paz.

Isang bagay ang tiyak ko. Hindi lahat ng naglilingkod sa pamahalaan ay korap at walang pakialam sa ikabubuti ng pamayanan, at hindi lahat ng ibinabalitang kasamaan sa media ay naglalarawan ng tunay na kalagayan ng ating Inang Bayan. –












13.) Pambansang Karangalan

Posted in sanaysay by Resty Cena on January 7, 2010

(Pambansang Karangalan, mula sa Biro-Biro ang Simula ni Resti M. Cena)
Copyright 2010

Kahit na hindi ako mahilig sa boksing, napadamay na rin akong panuurin ang nakaraang laban sa Las Vegas ng Dakilang Kamao. Ang hindi ko pagkahilig sa boksing ay bunga ng isang masamang karanasan. Noong bata pa ako, pinagduop kami ng isa sa mga pinsan ko na mas bata at maliit sa akin. Akala ko noon, ang boksing ay amba-amba muna, padyak at lundag, urong at sulong, at taas-baba ng ulo, na parang nakikipagharangang-taga. Sa isang taas ng aking ulo, binigwasan ako sa panga ng aking pinsan. Bumulagta ako sa lupa. Naiyak ako dahil sa tawa at kantiyaw ng mga nanonood; isa pa, masakit din naman palang masapol sa panga. Hindi ko na sasabihin dito kung anong paghihiganti ang ipinalasap ko sa aking pinsan; mabuti na lang at mababaw ang ilog.

Sa gitna ng deliryo ng bansa sa panalo ng Dakilang Kamao , itinuring ng marami, lalo na ng mga pulitiko at mga Pinoy sa ibang bansa, na siya ay isang “Pambansang Karangalan”.

Ang sarap makisalo sa pagdiriwang ng bansa. Hayon si Memeng, ibinibida ang bawat round, na para bang siya lang sa amin ang nakapanood. Tanda ng galak ng lahat na hindi siya pinaupo, at hinayaan siyang umamba-amba sa gitna ng sala, paminsan-minsa’y hinahatak sa tabi at pinaiinom pa. Mabuti na lang at nakiinom-inom rin ako, kung hindi, hindi siguro ako makakatulog pag-uwi ko dahil sa umaapaw na magandang pakiramdam sa dibdib.

Mga alas-tres siguro ng madaling-araw, nang sa panaginip ko, narinig ko ang salitang “pambansa”. Tulad ng alam na nating lahat, ang panaginip ay may sariling isip. Duo’y tinanong ako kung bakit naging Pambansang Karangalan ang Dakilang Kamao? Ano ang ginawa ng bansa para makibahagi sa karangalan ng kanyang panalo? Bunga ba siya ng isang pambansang programa na tumutuklas, humuhubog, at nagsasanay ng mga boksingero? Tumulong ba ang mga tao sa panahon ng kanyang kagutuman, sa gastos ng pagsasanay? Paano siya naging karangalan ng bansa?

Si Mang Berto, isang kapitbahay, naghirap, nagtiis, nagpunyagi para mapag-aral ang kaisa-isang anak na babae. Isang mahusay na abogada na ngayon sa kapitolyo. Sa huntahan, mabanggit lang ang tungkol sa batas, hustisya, abogasya, o kahit na anong salitang nagtatapos sa –sya tulad ng akasya, usansya, alkansya at magniningning na ang mga mata ni Mang Berto, nakahandang sumingit sa usapan at sabihing, “Yong anak kong abogada, …” At bakit nga naman hindi. Pinaghirapan nilang mag-asawa at ng tatlong anak na lalaki ang pag-aaral ni Abogada. Ngayon, kung pinabayaan lang niya ang anak, at sa sarili nitong kusa at hirap ay nakapag-aral at nagsikap at nabigyan ng parangal, may karapatan bang makibahagi sa karangalan si Mang Berto?

Ginagawa ko lang halimbawa ang ating Dakilang Kamao. Sa aking palagay, masaya niyang tinatanggap ang turing na Pambansang Karangalan. Umaapaw ang papuri sa kanya kaya’t may sapat para ipamahagi sa iba. Pero malinaw sa lahat na ang tagumpay niya ay tagumpay ng isang tao, sa tulong ng pamilya at ilang kaibigan. Nakakaalangang maki-angkin sa kanyang karangalan. Kung may titulong lapat niyang hawakan, ito ang Inspirasyon ng Bayan. Makakasalok ka ng kahit gaano karaming tabo ng inspirasyon, nasa sa iyo na ‘yan.

Sana’y may isang magsabi, “Gobyerno, maupo ka nga dito sa tabi ko at mag-usap tayo. Ikaw ang dapat na dahilan ng tagumpay, hindi ang pasimunong nakikiamot sa tagumpay ng pangisa-ngisang mamayan.” Lalo pang hindi wasto kung ang ganitong tagumpay ay ginagamit para malimutan ng mga tao, kahit ilang araw lang, ang hirap ng buhay. Dapat na pagbayarin ang gobyerno, sa tuwing may mamamayang nagtagumpay sa sariling sikap, ng Buwis ng Bayad-Puri, na magiging pondo na laan sa larang na pinagtagumpayan.

Sa akin, ang karapat-dapat na angkinin na Pambansang Karangalan ay iyong pinaghirapan ng buong bansa: Tahimik at maaayos na pamumuhay sa Singapore , kahit ano pa ang sabihin. Modernisasyon ng China . Pagbangon ng Hapon pagkatapos ng giyera. Paghabol ng South Korea na hindi mahuli sa tren. Medicare ng Canada . At sa Sweden , social net na sasapo sa walang makapitan. Ano ang pinagpunyagian ng buong bansa na maipagmamalaki natin sa ibang lupain?

Nabanggit ko ito dahil sa ating bansot na programa sa Olympic games. Ang huling medalya natin sa Olympics ay iniuwi ni Anthony Villanueva noong 1964. Natural, maririnig natin ang sabi-sabi na ang mahalaga ay sumali at magkaroon ng karanasan, na ang mahalaga ay hindi ang panalo kundi kung paano ka naglaro – klasikong paliwanag ng natalo.

Ang una at tanging layunin ng pagsali sa laro ay para manalo. Kung hindi hangad ang manalo, at kung walang pag-asang manalo, bakit sasali pa? Hindi nabibilang ang karangalan ng bayan sa dami ng ipinadadalang natatalo, kundi sa dami ng panalo. Hindi rin karangalan na ihain natin ang sarili na kakaning-itik ng maraming bansa.

At kung eksperyensya lang ang hinahanap, mag-audition na maging byolinista sa Manila Symphony Orchestra. Kahit hindi mahusay tumugtog ng byulin o ano pa mang instrumento, may rubdob sa dibdib naman, at saka eksperyensya lang ang hanap, di ba?

Kung iniisip natin na “Anong malay mo, baka suwertihin,” (na isang malaking bahagi ng pambansang estratehiya sa buhay), ay, pare ko, malasin ma’t matapilok si Usain Bolt o pulikatin si Michael Phelps, mayroon pang pitong dosenang manlalaro na kakain sa iyo.

Piliin natin ang giyera na may pag-asa tayong manalo.

Una-una, kalimutan natin ang mga laro na ang tagumpay ay umaasa sa laki ng katawan o haba ng mga paa at kamay at ang mga kasali ay hindi hinahati sa dibisyon na batay sa timbang, tulad ng swimming, volleyball, water polo, canoe/kayaking racing, cycling, track and field, basketball, badminton, football, handball, pentathlon, field hockey, tennis, table tennis, fencing. Huwag nang isiping magpadala ng kasali sa mga larong ang mga gamit at ang pagsasanay ay uubos ng isang munting yaman, tulad ng sailing, rowing, archery, equestrian. Laktawan natin ang mga laro na ang panalo ay umaasa sa husga ng mga hurado, tulad ng diving, gymnastics, synchronized swimming, at kahit na sa judo, taekwondo, wrestling at boxing na gumagamit ng hurado (bagama’t may pag-asa ang isang manlalaro na makapaghagis ng isang mahusay o masuwerteng bigwas na magpapabagsak sa kalaban). Ang problema sa hinuhusgahan ang panalo, wala tayong mailalapag sa mesa para makipagkamutan ng likod: “Papanalunin mo ang bata ko at papapanalunin ko ang bata mo.” Huwag magtawa; iyan ang tunay at mas mabangis na bunong-braso na nangyayari sa likod ng larong nakikita natin sa telebisyon. Wala o napakaliit ng ating pag-asang makapag-uwi ng medalya sa lahat ng mga larong iyan.

Anong laro ang natitira sa listahan na maaari nating salihan? Shooting at weightlifting.Tungkol sa shooting, tutuo nga na marami tayong mga mamamaril, lalo na kung nalalapit na ang eleksyon. Pero ang hula ko ay hindi rin tayo mananalo, dahil sa ang target sa barilan sa Olympics ay hindi mga pulitiko. Baka ang ating mga delegado, dahil sa unsyami sa hindi pagtama sa target, ang barilin ay ang mga shooters ng ibang delegasyon. Malaking kahihiyan; kung sana madadaplisan man lang ang mga kalaban.

Sa aking palagay, weighlifting sa tamang dibisyon ang dapat nating salihan. Sanay na sanay tayong magbuhat hindi lang ng bangko kundi pati na ng mga kamag-anakang walang trabaho. Anong gandang pangarapin. Sa opening ceremonies, nakadikit ang mga mata ng buong bansa sa telebisyon, sabik na hinihintay ang pagdaan ng ating delegasyon, at hayon sila, hayon ang ating kaisa-isang weightlifter, piling-pili siya mula sa mga kaibigan at kamag-anakan ng mga opisyales natin, hirap na hirap dalhin ang bandila ng Pilipinas. Ang gagarang magdala ng mamahaling Barong ng ating mga opisyales. Mapupula ang pisngi, malalaki ang tiyan, talagang larawan sila ng kalusugan, at karapat-dapat na tawaging Pambansang Karangalan.








14.) Malakanyang 2060

Posted in sanaysay by Resty Cena on January 6, 2010

(Malakanyang 2060, mula sa Biro-Biro ang Simula, ni Resti M. Cena)
Copyright 2010

Isang ugali nating mga Pinoy sa pagpaplano ang approach na “Hu, bukas na!” Na sa isang dako, hindi naman masama. Mentras huling sandali ang plano , mas sigurado na kailangan nga ito. Mentras hora mismo ang plano , mas marami nang matatatag na impormasyon tungkol sa problema, kaya’t mas malaki ang pag-asa na magtagumpay ang plano . Mahusay ang lohika, hano?” Hindi kapani-panilawa pero ang intelihenteng ugaling ito ay utang natin sa mga pulitiko.

Ayon sa mga paham, sa loob ng 50 taon, pinakamaaga, nasa katanghalian na ang global warming. Ang ice sheet ng Greenland lang, kapag nalusaw, ay sapat nang magtaas ng dagat ng pitong metro!

Kapag nangyari ito, ang Malakanyang ay papasukin ng tubig. Kung ang presidente natin sa 2060 ay apo sa tuhod ng kasalukuyang pangulo, ang tubig sa Malakanyang ay aabot sa kanyang baba.

Isang araw ay dumalaw ang ambasador ng E.U. sa pangulo. May taas na 6’4” ang ambasador, kung kaya’t ang tubig ay hanggang dibdib lang niya. Samantalang ang pangulo naman ay nakatingala na para hindi makahigop ng tubig habang makapagsalita.

“May I offer to carry you on my shoulders, Mrs. President? I mean, pasanin?” tanong ng ambasador. Bagama’t ayaw aminin ng pangulo na ang bayan, bukod sa lubog na sa hirap ay lubog pa rin sa tubig, pumayag na rin. Mahirap nga namang uminom ng kape habang nilalaplap ng alon ang ilong. Inilapag niya ang platito at tasa ng kape sa ulo ng ambasador. Isalin natin sa Filipino ang kanilang usapan.

“Palagay mo kaya, Mrs. President,” sabi ng ambasador, “Kailangan na nating magplano para sa global warming? Ilipat ang Malakanyang sa mataas na lugar”

“Naku, maaga pa naman para diyan, Mr. Ambasador,” sagot ng Pangulo. “Kayong mga Yankee, talagang adelantado. Saan ninyo inilipat ang embassy?”

“Nothing personal, pero sekreto, Mrs. President, for security reasons.”

“Indeed. How silly of me to ask! It is never the concern of the host Head of State where foreign embassies are in the host country, of course!” sagot ng Pangulo.

“Isang lugar na hindi mararating ng mga aktibista,” pagmamayabang ng ambasador.

Hindi naman kapinsalaan lahat ang hatid ng pag-apaw ng dagat sa Metro Maynila. Ang ilog Pasig ay magiging bahagi ng dagat. Tingnan mo na, kung lilinisin natin ngayon ang Pasig , katakot-takot na pera ang masasayang. Maghihintay lang pala ng 50ng taon at hindi na magiging problema. Huwag na rin nating hawanin ang mga barong-barong sa Metro Manila . Gastos lang. Lulubog ang mga iyan kung hindi man tangayin sa dagat. Madali nang magagawa ang riles ng Tutuban, mapapahaba ang linya ng LRT at MRT, at mapapaluwang ang mga daan. Sa madali’t sabi, pag lubog ng Metro Manila, luluwag na ang trapik, sa wakas.

Kung iisipin, ano mang problema na gawa ng tao laban sa kalikasan, bale wala ‘yan sa kalikasan.

Bakit nga ba itinuturing nating isang marupok na sapot ng gagamba ang environment? Nagiging guilty tuloy ako na gumamit ng papel sa palikuran, o ng plastic bag, o lumabas ng bahay na may saplot ang katawan. Lahat ng iyan ay galing sa environment. Sa punto de bista ng environment, ano ang problema kung ang mga bundok natin ay panot na? Ano ang problema ng environment kung ang mga tao ay may problema sa environment? Sa tao, may kahalagahan. Pero ang environment, hindi mo mahihintay na humingi ng paumanhin: “Opps, patawad na lang po, mga tao, at di ko mapigilan ang umihi sa inyo.” Kung sa bagay naman, paano mo masisisi ang mga kaingero. Kailangan ang uling sa pagluluto. Hindi masarap ang hilaw na salagubang, mahirap kainin ang hilaw na bunga ng marunggay, at ang pagngata ng hilaw na munggo sa kalaunan ay babasag sa kanilang mga ngipin, makapagdadagdag sa kanilang dental bills.

May lohiko ang environment, pero doon walang espesyal na ginagampanan ang tao, o dinosaur, o langgam.

Bumalik tayo sa hinaharap ng Malakanyang sa 2060. Tumaas pa ng ilang pulgada ang tubig, kung kaya’t ang presidente ay talagang hindi na makalakad sa loob ng Malakanyang nang hindi nakakasinghot ng tubig ng ilog Pasig . Ang mga empleyado naman ay nagbabangka na, kung hindi man nag-susuot ng scuba gear.

“Ok,” sabi ng Pangulo. “Kailangan na yatang magplano na ilipat ang Malakanyang sa mataas-taas na lugar. Saan?”

Buksan mo ang usapang iyan at para kang nagbukas ng isang malaking garapon ng mga bulate, na maglilisawan kung saan-saan. Ang mga kongresista ay magkakagatan at magkakalmutan para mailipat ang palasyo sa tabi ng kanilang pag-aari, para madaling abutin at kamutin kung saka-sakali.

Ang maganda’y kung maitatayo ang bagong palasyo sa isang lugar na walang daanan kung kaya’t hindi mapupuntahan. Papaligiran ng malalim na tubig ang paligid, na tatamnan ng mga buwaya at piranha.

Iligtas natin ang pangulo sa mga teroristang tulad ng kongresista at iba pang politiko, oligarko, aktibista, at taong balana. Tulungan nating ibuhos ng pangulo ang panahon at galing sa pakikipagmadyong sa mga lider ng Asia para manalo ng negosyong itatayo sa Pilipinas. Kung may problemang pang-atin-atin, nariyan ang baranggay, munisipyo, at kapitolyo: ilapit sa tao ang public accountability ng gobyerno.

At ang kongreso? Iwanan ito sa kinatatayuan. Tutal, mahusay naman ang mga kongresistang makipaglanguyan sa mga pating. Marami silang barrels doon na kung hahawanin nila ang mga pork na nakaimbak, magagamit nilang bangka sa loob ng kongreso. At kung sakali’t tangayin sa dagat ang kongreso, hindi natin mapapansin dahil sa puno` na tayo ng batas hanggang para sa susunod na isang libong taon. Kung sakali’t kailanganin ang isang bagong batas, iyatas ang pagsulat sa gobyerno na malapit sa tao.

Kaya, sige na nga. Bahain na ang Maynila. Ulanin na ng siyam na siyam-siyam ang bansa. Isang matinding hampas ng kalikasan sa ating likod ang kailangan para tayo’y matauhan.












15.) Imortalidad

Posted in sanaysay by Resty Cena on June 12, 2009
ni Resti Mendoza Cena

“Minsan lang mamatay ang tao, at kung hindi siya mamamatay nang mahusay, isang magandang pagkakataon ang mawawala, na hindi na babalik,” sabi ng ating Dakilang Bayani.

Siya na nang edad 35 ay namatay sa kamay ng mga guardia civil sa Bagumbayan.

Kung ang sirkumstansya ng kanyang pagkamatay ang kanyang tinutukoy, wala nang Pinoy ngayon na mamamatay nang mahusay. Una-una, mahirap nang makakita ng mga guardia civil na babaril sa iyo sa Rizal Park . At kung mayroon man, huhulihin ka ng mga pulis – sila pa ang sasapo sa katawan mo – for conspiracy to commit murder. Isusugod ka sa hospital at pipilitin kang buhayin, itatapon sa kulungan, at daragdagan ng kung ano-anong unsolved murders ang habla sa iyo, hanggang sa mahatulan kang mamatay sa silya-elektrika. Kung may pagkamatay na di mahusay, ito ang mamatay sa silya-elektrika, kahit na nga sabihin pa na komportable ka dahil nakaupo ka.

Sa aking palagay, ang ibig sabihin ng Dakilang Bayani sa “mamatay nang mahusay” ay nabuhay nang mahusay at mamatay sa tamang panahon.

Ang problema ko at ng milyong Pilipino na naghahangad ng imortalidad: mas madaling mamatay nang di mahusay. Sino ba naman sa atin ngayon ang nabubuhay nang mahusay?

Ang mabuhay nang mahusay ay isang malaking trabaho. Pinaghirapang mabuti iyan ng Dakilang Bayani, mula pagkabata.

Minsan sa ilog nahulog ang isang paa ng sinelas ng batang Dakilang Bayani. Itinapon niya ang kabyak, sa dahilang kung may makakapulot ng isa, walang halaga ito kung hindi rin mapupulot ang kabyak. Napakamapag-isip talaga ng Dakilang Bayani sa kapakanan ng kapwa.

Walang gayong mga kuwento ng kadakilaan sa aking pagkabata. Noong mawala sa ilog ang kaliwang paa ng aking flip-flop, itinapon ko ba ang kapares? Ano ako, hilo ? Kahit man lang ang kanang paa ko, hindi matinik sa pampang. Isa pa, marami akong naipong napulot na mga kabyak.

Ang pagboboluntaryong serbisyo para sa kapakanan ng iba ay isa ring tanda ng buhay na mahusay. Pero hindi ako makapag-boluntaryo na magsilbing doktor sa giyera sa Iraq o Afganisthan o Mindanao . Hindi ko makita sa Internet ‘yong mga forms sa pag-apply. Isa pa, malaki ang pag-asa ko na matanggihan dahil sa hindi naman ako doktor.

Ang malaking tanda ng husay ng buhay ng Dakilang Bayani ay ang matinding sakripisyo at kakaibang kagitingan ipinamalas sa pagsulat ng dalawang nobela, na doo’y buong tapang na pinaratangan niya ang mga prayle ng mga karumal-dumal na kasalanan laban sa mga Indio, na ang mga prayle ang dahilan ng di-makatarungang paghihirap ng buhay, na sa kabuuan, ang mga prayle ay sagana at bihasa sa mga katangiang taglay ng isang nanirahan sa impyerno (sa akin na ang mga salitang ito).

Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling kama (madalas akong nakahiga at nakatunganga kaysa sa nakaupo at nakatingala), pero dito, malaki na ang aking progreso. May pamagat na ang susulatin kong unang nobela: Mga Bagong Prayle. Ang plot: Kung paano hinuhuthot ng mga oligarko (ang mga bagong prayle), kasabwat ng mga pulitiko (ang mga bagong guardia civil) ang katas ng bayan sa mga patapong gastusan na hindi nakapagpapayaman sa bansa, tulad ng megamalls at Jolly kainan, mga resorts, golf courses, at condo para sa mga balik-bayan na hindi naman nila natitirhan, at ang mga profits, sa halip na ipagpatayo ng mga industriyang infrastructural, ay inilalabas ng bansa at pinupuhunan sa China, Taiwan, Malaysia at Thailand, kung kaya’t walang tunay na pagbabago sa distribusyon ng kasaganaan at oportunidad sa bansa. Hanggang sa ang Pambansang Kamao (ang ating bida), dahil sa kanyang marubdob na pagkamakabayan, ay umastang pabagsakin ang mga oligarko ng bansa. Mapatulog kaya ng Pambansang Kamao ang mga bagong prayle?

Ayos ang premise, di ba? Hitik sa pagkakataong matamnan ng sigalot, kasakiman, pagnanasa, panloloko, at kung ano-ano pang mga kaitiman ng kalulwa at kabulukan ng moralidad na makaaaliw sa mambabasang Pinoy.

Isa pang daan sa pagiging dakila, bukod sa pamumuhay nang mahusay, ay kung namatay ka sa tamang panahon. Marami ang nagsasabi na kung ang isa nating dakilang heneral, kung naputulan ng buhay sa kamay ng mga Amerikano sa Palanan noong 1901, sa halip na tumagal ang buhay hanggang sa dekado 50 ng nakaraang siglo, maaaring siya ang ating Dakilang Bayani.

Madaling araw ng Disyembre 30, 1896, nilalakad ng Dakilang Bayani ang kanyang huling milya, ang mga dahon ng damo ay lumulundo sa bigat ng hamog na parang luha ng kalikasan na nakikiramay, may hangin mula sa dagat, pero hindi sapat para tangayin ang top hat ng Dakilang Bayani at ilantad ang kanyang di-pangkaraniwang ulo sa ginintuang sikat ng bumubukang liwayway. Ang nasambit ng marami sa mga nanonood: “Ang ganda ng panahon! Hindi uulan.”

Sa isang banda, kung hihintayin kong makagawa ng kadakilan bago mamatay, habang panahon akong mabubuhay. Na hindi naman masama kung sa bagay. Sa mabuhay nang mahusay pero sandali, at mabuhay nang hindi dakila pero matagal, pipiliin ko ang huli – ito’y atin-atin lang.






16.) Sanaysay:Mapang-api at inaapi.

mapang-api at inaapi.

Mapang-api
at inaapi? hindi natin alam san tayo lulugar.Sa araw-araw natin gawain minsan
hindi natin napapansin ang ganitong bagay. Hindi dahil sa kaibigan o kakilala
lang natin sila ay okay na nagawin ang ano mang bagay na ninanais. Hindi din
dahil sa tanggap nila ikaw bilang ikaw. Minsan I madalas nalulugar tayo sa mapang-api lalo na kung kinakayakaya natin
ang mga nakakasalamuha natin.

Inaapi, ang
salita na to minsan nang pumatak sa isipan ko. San nga ba ito lagging nag
yayare? Kung sa systeman ngayon sa bansa natin ang mahihirap ang una sa inaapi.
Syempre sino ba ang aapi sa mahihrap di yung mga mayayaman na wala ng ginawa
kung di mangmaliit ng mga mahihirap na tao mga walang ginagawa kung di mag mayabang . pero meron din naman mga
mayayaman na handing tumulong sa mga mahihirap. Pero bilang lng ang mga taong
mga ganun..

Sa
iskwelahan hindi din ito naiiwasan dahil lagi nandyan ang tuksuhan ng mga
magkaklase mag tropa. Pero sabi nila okay lang kasi katuwaan lang. Pero para
sakin dinadamdam lang nila ang pag –aapi na kung saan pag napuno ito ay parang
apoy na magwawala sa galit pwede itong magsimula sa sakitan o pag aaway.

Mapang-api,
hindi sa lahat ng oras ay inaapi ka. Meron mga pag kakataon na ikaw sa sarili
mo ay hindi mo namamalayan na may naaapi ka na. Minsan sa sobrang tuwa ay
inuulit ulit pa. Hindi mo alam sa sarili mo na nakakasakit ka na ng damdamin o
minsan alam mo nakakasakit kana pero nadadaan naman ito sa simpleng pag sabi ng
“sorry” kaya patuloy parin tayo sa pang-aapi minsan.

Mapang-api
o inaapi ka isa lamang ito sa normal na nangyayare sa ating bansa at patuloy
itong nang yayare hanggang hindi nagkakasundo ang buong bayan gaya noong
pagkasakop satin ng mga kastila kaya tayo madaling nasakop dahil kanya kanya
silang lumaban. Iba’t ibang grupo. Hindi sa watak watak ang ating isla ay ganun
ang gagawin natin hindi pa huli ang
lahat pwede pa tayo magkaisa..










17.) Sanaysay:pagsusunog ng kilay.

Pagsusunog ng kilay.

Ang
pag-aaral ay susi sa tagumpay. Pero anu na nga ba ang mga kabataan ngayon
nag-aaral parin ba sila ng mabuti o napasok sila ng para sa baon lang?

Hindi mo ba
alam sa ngayon ang pag aaral ay mas lalong kailangan para makabangon sa
kahirapan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon pahirap ng pahirap ang magkaroon ng maayos at komportableng trabaho, kaya
dapat ngayon palang ay magsikap na tayong makatapos ng pag-aaral. Isa din to sa
ikakatuwa sa naginginspirasyon natin. Isang munting papel na nagpapatunay ng
aking pagsisikap na makatapos ng pag-aaral; siguro kahit sino ang tanungin
gusto nila magkaroon ng ganung istorya sa pagtatapos ng pag-aaral nila.

Ang
sarap siguro kung iisipin natin ang ating mga pangarap na unti-unting
natutupad. Pero panu mo ito magagawa kung ngayon palang ay puro katamaran sa
pag-aaral ang gagawin mo. Kung ako sayo ngayon palang ay magsisimula na akong
magpakatino sa pag aaral simulan mo sa pag uwi ng mga librong kailangan gamitin
sa pag gawa ng takdang aralin hindi yung sa locker ito mabubulok, ipinagpabukas
ang paggawa, panu kung mag kagulo hindi ka nakagawa di wala lang sasabihin mo
sa sarili mo bawi nalang ako sa ubabg oagjajataib. Oo tama nga yon pero mali
yung paraan ng pag gawa dapat gawin sa bahay hindi sa loob ng eskwelahan. Kahit
kanino mo itanung yon mali yun. Gawin natin ang tama dahil magagamit natin din
to sa hinaharap.

Pero hindi
natin alam ang hinaharap. Tayo parin ang gagawa ng kinabukasan natin nasa kamay
natin ito. Pero wag sana natin kalimutang mag pasalaman sa Diyos sa bawat
tangunmpay na ating natataha. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.

Kaya kung ako saiyo mag aral ng mabuti para makapagtapos at
magkaroon ng magandang trabaho at buhay sa hinaharap..










18.) Sanaysay:Ang tipo kong guro

ang tipo kong guro

Ano nga ba
ang gusto ko sa isang guro? Siguro yung gurong mapagmahal? O kaya yung gurong
napakabait at mahaba ang pasyensta. Yung hindi lagging galit meron kasing guro
na konti maling nagawa mo lang galit na
agad.

Kapag
ganito siguro ang lath ng guro sa buong mundo-lahat tao ay tatamarin
mag-aral.masarap kasing pumasok sa eskwelahan kapag ang mga guro ay medyo
palabiro at lagging naka smile. Ikaw kaya gaganahan ka bang pumasok sa
eskwelahan kung ang iyong guro ay masama ang pag-uugali o yung tipo ng guro na
palasigaw o niminsan ay hindi man lang tumatawa o namamansin.

Gusto ko
rin sa isang guro ay yung pwede mung kausapino makakwentuhan kapag ikaw ay
merong problema o kaya’y makakwentuhan kapag ika’y walang magawao walang
makausap . Maganda rin siguro kapag nagging malapit ka sa isang guro para kunh
may problema ka ay merong magbibigay sa iyo ng advice: kasi parang sila na rin
ang ating pangalawang magulang: kasi sila rin ang tumutulong sa atin na
gumalang sa nakatatanda.

Sa
pag-aaral kapag ikaw ay merong hindi masyadong maintindihan na leksyon, ay
dapat merong kang malalapitan na hindi labag sa kalooban nila na turuan ka.

Meron pa
bang ganoong guro ngayon ? anu sa tingin mo? Siguro meron pa….

Meron pa bang estudyanteng ganun ngayon.? Na lalapit sa guro
at magpapaturo.?

Masaya din siguro magkaroon ng isang guro na pwede mong
maging matalik na kaibigan na nandyan handing tumulong sa mga problemang iyong
natatamasa. Siguro nga’t merong iba’t-ibang personalidad ang mga guro.? Hindi
naman kasi pwedeng lahat ay magkakapareho ng pag-uugali.siguro meron ding
iba’t-ibang tipo sa isang guro.? Ang mga estudyante.? Siguro yang aking mga
nasabi ay ilan lamang sa mga katamgian ng isang guro..? siguro dapat din nating
pasalamatan ang ating mga guro.? Dahil mahirap tumayo sa harap ng klase habang
nagtuturo. Para sa mga guro , diba masakit para sa inyu ang daldal ka ng
daldal sa harap habang ang mga
estudyante mo ay nakikipagdaldalan din.?










19.) Sanaysay:pag-ibig at pag-mamahal

Pag-ibig o pag-mamahal kailan ba kita madadama? puro nalang ba tayo asa sa ating hinahangaan? sa ngayon para tayong tanga pag nakikita natin sila hindi malaman ang gagawin parang isang taong naliligaw na hindi alam san pupunta para makaiwas.

Siguro naman nakaransa na kayo ng pag mamahal ng ibang tao katulad ng sa pamilya o kaibigan. Makaranas ng relasyon nagawa niyo na? oo yung sa iba at sa hindi pa alam niyo naman ang mga nangyayare dahil nakikita niyo ito sa mga t.v o sa totoong buhay kaya ayaw niyo sumubok dahil natatakot kayo baka iwan kayo o lokohin kayo. Ang totoo pag dating sa larangan ng pag-ibig hindi mawawala yan kasama yan sa pagsubok.hanggang matagpuan niyo ang tunay na magmamahal saiyo.

Sabi nila pag umibig ka hindi nawawala ang away na sinasamahan ng luha. Hindi niyo ba alam na ito ay nagbibigay tatag sa iyong pagsasama, pinapatibay din ito lalo ang inyong pag mamahalan sa isa’t isa. Isa sa mga dahilan ng pag-aaway ay kawalan ng tiwala sa isa’t isa. Kung saan nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa. Dapat lagi tayong handang buksan ang ating taenga para makinig wag pairalin ang init ng ulo alamin muna ang tunay na nangyare wag din papadala sa usapan dahil ito ang mga dahilan para hindi kayo magkaunawaan. Pairalin lamang ang tiwala sa isa’t isa at walang ibang mangyayareng hindi kanaisnais.

Pagmahal mo ang isang tao handa mong ibigay ang lahat, Lahat ng sakripisyo para lang sa kanya kasi mahal mo siya. Pero hanggang kailan ka maghihintay. kung puro naman sa wala lang ang nagyayare. gaya nga ng sabi ng matatanda, “kung ayaw saiyo iwan mo ayaw nga sayo pag-pipilitan mo sarili mo” ikaw lang mahihirapan.

Sa larawan ng pag-ibig maraming dahilan. Bakit ganun nangyare, basta lang pag pinasok mo itong gulong ito handa kang panagutan handa kang masaktan dahil walang pinipiling oras ang pag-ibig.










20.) Mga Halimbawa ng Sanaysay

Ang ating unang sulatin ay isinulat ni Aura, isang Pilipino na myembro ng komunidad ng Pinoy Penster.

Munting Alaala
Ni Aura

Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.
Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.

Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?

Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga laruan, kaylan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga secret notes sa likod ng mga school notebook mo, o tinignan ang mga matataas na grade na ibinigay sayo ng teacher mo, bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao?

Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.

Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.

3 comments:

Unknown said...

thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you thank you so much :))

soul said...

sanaysay tungkol sa pagiging mapagbigay

Unknown said...

CAN I SEE WHAT IS THE PATANGHULI INTAWON AUTHOR FACE?